Tatay ni Angel, ramdam ang bagong bahay
March 27, 2007 | 12:00am
Nakausap ko si Mang Angel na ama ni Angel Locsin na sobra ang katuwaan sa nabiling bahay ng kanyang anak. Sinabi nito na hindi man siya nakakakita ay nararamdaman naman niya ang kapaligiran ng bahay.
"Matalas ang pakiramdam ko kahit di ko makita ang kabuuan ng bahay. Nagpapasalamat nga ako dahil bukod sa akin ay titira rin dun ang bunso kong anak na si Angelo na nasa haiskul na ngayon at pinag-aaral ni Angel," anang ama ng aktres.
Sa Marso 30 pa ang uwi ng aktres, nagtitaping pa ito ng Asian Treasures sa Bangkok.
Mabuti na lang at cancelled muna ang commercial shoot nito ng isang brand ng shampoo sa nasabing bansa.
Nagdi-dinner kami sa Max ng SM North Edsa nang makita namin na nagkakagulo ang maraming tao at sinusundan ang isang artista. Akala namin ay si Sharon Cuneta. Ayon sa isang weyter ay si Lovi Poe ang hinahabol ng mga tao kung saan katatapos lang nitong mag-concert sa food court.
Ang bilis gumawa ng malaking pangalan ni Lovi at malaking tulong ang pagkakasama nito sa Bakekang bilang si Kristal. Bukod sa magaling kumanta ay maaasahan din ito sa pag-arte.
Marami nang hukbo ng tagahanga ang aktres dahil mabait ito at di lumaki ang ulo sa gitna ng tagumpay.
Gagawa ng teleserye sa Channel 7 si Direk Maryo J. delos Reyes at balita namin ay pinamagatan itong Impostora na magiging bida ay si Sun shine Dizon. Tuwang-tuwa ang aktres at nasabing sa kagustuhan niyang maging Impostora ay nakahanda siyang sumailalim ng audition kung talagang kailangan para lang mapasama sa proyekto.
Loveless pa rin ang aktres kahit maraming manliligaw dahil prayoridad ang career.
Talagang suportado ng GMA 7 ang career ni Shine dahil may follow-up agad ang Bakekang.
Kilala na bilang magaling na manager si Becky Aguila at ilan sa napasikat nitong artista ay sina Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Valerie Concepcion, Empress Schuck at marami pang iba.
Ngayong summer, ang Becky Aguila Agency ay bukas para sa workshops nito gaya ng acting for stage film at TV, voice lessons, speech and personality development, jazz ballet, ballroom, hip-hop at street dancing. Bukas ito para sa mga bata, teens, adults and seniors.
Para sa karagdagang detalye, tumawag lang at magpalista sa telepono blg. 9328261 o 9328264 o mobile no. 09209705025 mula 11AM to 7PM at hanapin si Ms. Cecille. Ang first day of class at deadline ng enrolment ay sa Abril 10, 2007.
"Matalas ang pakiramdam ko kahit di ko makita ang kabuuan ng bahay. Nagpapasalamat nga ako dahil bukod sa akin ay titira rin dun ang bunso kong anak na si Angelo na nasa haiskul na ngayon at pinag-aaral ni Angel," anang ama ng aktres.
Sa Marso 30 pa ang uwi ng aktres, nagtitaping pa ito ng Asian Treasures sa Bangkok.
Mabuti na lang at cancelled muna ang commercial shoot nito ng isang brand ng shampoo sa nasabing bansa.
Ang bilis gumawa ng malaking pangalan ni Lovi at malaking tulong ang pagkakasama nito sa Bakekang bilang si Kristal. Bukod sa magaling kumanta ay maaasahan din ito sa pag-arte.
Marami nang hukbo ng tagahanga ang aktres dahil mabait ito at di lumaki ang ulo sa gitna ng tagumpay.
Loveless pa rin ang aktres kahit maraming manliligaw dahil prayoridad ang career.
Talagang suportado ng GMA 7 ang career ni Shine dahil may follow-up agad ang Bakekang.
Ngayong summer, ang Becky Aguila Agency ay bukas para sa workshops nito gaya ng acting for stage film at TV, voice lessons, speech and personality development, jazz ballet, ballroom, hip-hop at street dancing. Bukas ito para sa mga bata, teens, adults and seniors.
Para sa karagdagang detalye, tumawag lang at magpalista sa telepono blg. 9328261 o 9328264 o mobile no. 09209705025 mula 11AM to 7PM at hanapin si Ms. Cecille. Ang first day of class at deadline ng enrolment ay sa Abril 10, 2007.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am