Erik Santos, takot mag-artista

Ang pareha nina Kris Bernal at Mart Escudero ang tinanghal na Ultimate Loveteam sa katatapos na StarStruck 4 The Next Level. Natupad ang gusto ni Jewel Mische na mapanalunan ang Ultimate Sweetheart dahil sa kanya napunta ang title at kay Aljur Abrenica ang Ultimate Hunk. Nanalo sila ng P1 million each at may P2 million exclusive management contract sa GMA Network at iba-iba pang prizes.

Sina Rich Asuncion at Prince Stefan ang napiling 1st Princess and 1st Prince respectively. Ironically, sila ang nakakuha ng highest votes sa council, pero mababa sa text votes at ito ang nagpatalo sa kanila. But nothing to worry dahil kasama pa rin sila sa ibi-build up ng GMA-7 at nanalo sila ng P200,000 cash each.

May naghihintay na ring show sa mga winners entitled The Boys Next Door kasama si Marky Cielo. ‘Wag magreklamo ang girls kung boys ang bida sa title, magpakita na lang sila ng galing para sumikat. Ang alam namin, agad itong sisimulan habang mainit-init pa.

Nabanggit pala ni Jewel na magbibigay siya ng tithe sa kanilang simbahan from her P1 million cash prize. Si Aljur naman ay magbibigay sa kanyang family at ibabangko ang iba.
* * *
Nakipag-taguan sa press si Iwa Moto sa pa-concert ng cast ng Bakekang para sa viewers ng teledrama. Ayaw nitong magpa-interview dahil alam na ang break-up nila ni Yexel Sebastian ang itatanong. Hindi lang ito nakaiwas dahil hindi tinigilan ng press, kaya lang, sa mga unang tanong puro, "No comment" ang sagot. Ayaw daw niyang pag-usapan ang kanyang private life. Sus! Parang late na ang pananahimik na ito ng dalaga.

Nine months lang nagtagal ang relasyon nina Iwa at Yexel at ayaw sabihin ng una ang rason. Sa tanong kung may third party, ang ex-boyfriend ang itinuro ng dalaga’t ito na lang daw ang tanungin. Ipinagdiinan nitong friends pa rin sila, pero ‘di nag-uusap.

Inis si Iwa sa tsismis na kaya siya tumaba dahil nanganak siya. Paano raw nangyari ‘yun nang hindi lumaki ang kanyang tiyan? Natawa na lang ang dalaga dahil ‘pag payat siya, natsitsismis naman siyang nagda-drugs.
* * *
Hindi forte ni Erik Santos ang acting, kaya iwas-pusoy siya sa mga acting offers. Pinalampas nito ang offer ng Maalaala Mo Kaya nila ni Mariel Rodriguez dahil sa schedule, pero may feeling kaming ‘di ito pinursige ng binata. In-alibi rin nito ang kawalan ng acting workshop sa pagtanggi sa MMK.

Samantala, sinisimulan na ni Erik ang paghahanda sa major concert niya sa October. Tinakot pa naming so far, si Lani Misalucha pa lang uli ang nakapuno sa Araneta Coliseum, kaya titriplihin niya ang pagpo-promote. Bago ‘yun, aalis muna siya para sa US tour nila nina Pops Fernandez at Kuh Ledesma sa April. May May at June din siyang shows abroad at sa August, sila ni Aiai delas Alas ang magkasama sa Europe.

Hyper si Erik ngayon dahil three awards ang napanalunan sa MYX Music Awards. Siya uli ang nanalong Favorite Male Artist, Favorite Re-Make ("Your Love"), at Favorite Collaboration ("Bakit Ba Iniibig Ka" with Regine Velasquez).

Show comments