Sa isang mainit at kontrobersyal na artista search, tinanghal na Ultimate Loveteam sina Mart Escudero at Kris Bernal, Ultimate Hunk si Aljur Abrenica at Ultimate Sweetheart si Jewel Mische. Bawat isa sa kanila ay nanalo ng tig-P1M cash, P2M management contract sa GMA 7, mall cart business package na nagkakahalaga ng P250,000 mula sa Belgion Waffle Express, 2 years scholarship worth P120,000 mula sa Informatics Computer, P50,000 cash at P170,000 gift certificates from Calayan Services Center. Lahat naman ng 20 finalists ay binigyan ng franchise business package worth P30,000 mula sa Belgion Waffle Express, 3-day course on confidence building, public speaking at online application worth P3,000 mula sa Informatics Computer.
Ang first Prince (Prince Stefan) at princess (Rich Asuncion) ay bibigyan ng P200,000 cash tax free.
Ngayon pa lamang ay sisimulan na ng maraming magulang na hubugin ang kanilang mga anak para maging future artistas via mga ganitong pakontes, tulad ng StarStruck at the same time dapat sigurong itanim sa kaisipan ng kanilang mga anak na more than a beautiful face, good looks and talent, text votes ang may kontrol ng mga ganitong searches sa TV. The earlier they learn to accept this fact, the lesser the pain they will feel kapag natalo sila.
Pasok si Pooh sa lahat ng pagtatanghal ng Rock Da Vote gayong mas senior sa kanya si Chokoleit. Ibig sabihin ba, mas in demand si Pooh kesa kay Chokoleit?
Dapat sigurong panoorin ang Rock Da Vote sa mga petsang nabanggit para malaman kung may dapat nga bang pangambahan kay Pooh si Chokoleit.
Kasama rin sa Rock Da Vote sina Tessie Tomas, Candy Pangilinan, John Lapus at Jon Santos.