Actress/TV host, ‘dinadalaw’ ang kapwa aktres
March 26, 2007 | 12:00am
May ilang tagahanga ang napasyal sa taping ng isang soap opera kung saan narun ang idolo nilang magka-loveteam na young celebrities na alaga ngayon ng isang malaking network.
Nang mag-taping break ay dumalaw dun ang isang sikat na female TV host. Nagulat sila dahil ang prim and proper na host na paborito nila ay dumadalaw sa kabaro. Nagtanong tuloy ang mga nasa taping ng "Tibo ba siya?" (referring to TV host). Sagot ko ay hindi. Eh, bakit nang maupo ito ay pasalampak at parang lalaki kung umasta na di namin akalain," sey nila.
Ang female TV host ay di nababakante sa TV dahil magaling siya at maganda pa rin.
Naging emosyonal si Sunshine Dizon nang magpaalam dahil magtatapos na ang Bakekang sa linggong ito. Sinabi ng aktres sa presscon ng final showdown nina Kristal (Lovi Poe) at Karisma (Yasmien Kurdi) na kahit 23 years old pa lang siya ay nagawa naman nitong kapanipaniwala sa kanyang role na Bakekang na may dalawang anak na dalagita gayung wala pa siyang pananagutan at walang anak sa tunay na buhay. Malaki ang nagawa ng mga director para mailarawan ni Sunshine ang papel ni Bakekang. Iba’t ibang emosyon ang nadama nito bilang isang ina, kaibigan at kaaway.
Ano kaya ang mangyayari sa showdown ng dalawang magkapatid bilang magaling na mang-aawit? Hindi rin magiging maganda ang finale ng teleserye dahil isa sa major character ang mamamatay?
Magtatapos na ito ngayong Marso 30 pagkatapos ng Super Twins sa GMA 7.
Hindi kami magtataka kung after Bakekang ay may follow-up project agad si Yasmien Kurdi na gumanap na Karisma sa teleserye. Ang galing nitong umarte at magaling ding kumanta. Lumutang ang acting nito noong gampanan ang papel ni Charming lalo na sa mga eksenang inaapi ito hanggang maging kontrabida bilang karisma na sinisinghalan at sinasaktan pa ang ina nang pumasok na katulong sa mansion ni Valeria (Sheryl Cruz).
Magandang gawing halimbawa si Yasmien ng mga taga-StarStruck dahil propesyonal at mahal ang trabaho. Kaya sa pagdaan ng taon ay nahasa na ito sa pag-arte at kahit saan ilagay, mapa-sticom man o mapadrama ay maaasahan sa acting.
Si Yasmien din ang tipo ng kabataang aktres na magtatagal sa showbiz dahil sa talino at propesyonalismo.
Nang mag-taping break ay dumalaw dun ang isang sikat na female TV host. Nagulat sila dahil ang prim and proper na host na paborito nila ay dumadalaw sa kabaro. Nagtanong tuloy ang mga nasa taping ng "Tibo ba siya?" (referring to TV host). Sagot ko ay hindi. Eh, bakit nang maupo ito ay pasalampak at parang lalaki kung umasta na di namin akalain," sey nila.
Ang female TV host ay di nababakante sa TV dahil magaling siya at maganda pa rin.
Ano kaya ang mangyayari sa showdown ng dalawang magkapatid bilang magaling na mang-aawit? Hindi rin magiging maganda ang finale ng teleserye dahil isa sa major character ang mamamatay?
Magtatapos na ito ngayong Marso 30 pagkatapos ng Super Twins sa GMA 7.
Magandang gawing halimbawa si Yasmien ng mga taga-StarStruck dahil propesyonal at mahal ang trabaho. Kaya sa pagdaan ng taon ay nahasa na ito sa pag-arte at kahit saan ilagay, mapa-sticom man o mapadrama ay maaasahan sa acting.
Si Yasmien din ang tipo ng kabataang aktres na magtatagal sa showbiz dahil sa talino at propesyonalismo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended