Nora Aunor, iniintriga
March 26, 2007 | 12:00am
Lahat ng mga nakakita sa pagiging sweet nila Jericho Rosales at Heart Evangelista sa nakaraang Star Awards for Movies ay naniniwalang in love talaga sila sa isa’t isa. Reaction ng mga tao na sila na nga ang magkakatuluyan balang araw dahil sa mga ipinakikita nilang pagmamahalan.
Speaking of Star Awards, masasabing gabi ito ng Star Cinema dahil lahat ng mga nanalo ay pawang mga artista ng ABS CBN network.
Nanalo si Judy Ann Santos ng best actress, best actor naman si Piolo Pascual at Jericho bukod pa sa maraming special awards na nakuha nila.
Congratulations at salamat sa PMPC sa pagbibigay nila ng halaga sa aking mga naiambag sa Pelikulang Pilipino.
Salamat sa pagbibigay n’yo sa akin ng karangalan bilang Ulirang Artista mula sa mahabang panahon ng pagmamalasakit ko sa ating mahal na industriya.
Salamat din kina Boots Anson Roa at Manay Ichu Maceda na siyang presentor ng nasabing awards para sa inyong lingkod.
Naiintriga na naman si Nora Aunor pero lahat ay bali-balita lamang dahil wala naman tayong direktang taong nakausap na galing mismo sa Amerika at kinukumpirma ang balita.
Bagama’t alam naman nating may problema talaga si Guy pero ang hiling natin ay pabayaan na lang natin siya at huwag nang intrigahin pa.
Maraming plano si Guy sa Amerika, mayroon pa nga siyang concert kasama sina Ian de Leon at Tirso Cruz III. Kasama rin sana ako sa project na ‘yan kaso ewan ko ba’t pati ako ay ginawan ng intriga. Kaya’t hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa planong ito ni Guy.
Usung-uso na naman ang hiwalayan - ang latest ay sina Danilo Barrios at Jaycee Parker. Hindi pa rin nagkakasundo sila Ara Mina at Paolo Ravales.
‘Yan na nga ba ang sinasabi ko, puwede namang mag-concentrate muna sa career. Kung bakit hindi magseryoso sa trabaho at unahin muna ang mga pangarap sa kanilang buhay. Hindi rin dapat maapektuhan ang kanilang trabaho ng kanilang lovelife.
Samantala, nais kong ipayo kay Ara na huwag muna niyang pasukin ang pulitika. Dahil bukod sa mahirap ay hindi pa ito ang tamang panahon para sa iyo.
Babahiran lang ng pulitika ang mga pinaghirapan mo sa mahabang panahon sa showbiz. Bagama’t alam kong sanay ka na sa mga intriga, pero iba ang labanan sa pulitika anak. Kaya kung ako sa iyo, hinay-hinay lang. At huwag kang padala sa mga sinasabi nila.
May panahon para diyan pero hindi ngayon.
Malaki naman ang aking tiwala sa balak ni Madam Imelda Marcos na itinuturing ko nang ina sa plano niyang tumakbo bilang Mayor ng Lungsod ng Maynila.
Naniniwala akong marami siyang magagawa sa Lungsod ng Maynila. Isa na rito ang pagbibigay ng pagpapahalaga sa mga historical places na winasak ng pulitika sa mga nagdaang panahon.
Goodluck Madam Imelda!
Speaking of Star Awards, masasabing gabi ito ng Star Cinema dahil lahat ng mga nanalo ay pawang mga artista ng ABS CBN network.
Nanalo si Judy Ann Santos ng best actress, best actor naman si Piolo Pascual at Jericho bukod pa sa maraming special awards na nakuha nila.
Congratulations at salamat sa PMPC sa pagbibigay nila ng halaga sa aking mga naiambag sa Pelikulang Pilipino.
Salamat sa pagbibigay n’yo sa akin ng karangalan bilang Ulirang Artista mula sa mahabang panahon ng pagmamalasakit ko sa ating mahal na industriya.
Salamat din kina Boots Anson Roa at Manay Ichu Maceda na siyang presentor ng nasabing awards para sa inyong lingkod.
Bagama’t alam naman nating may problema talaga si Guy pero ang hiling natin ay pabayaan na lang natin siya at huwag nang intrigahin pa.
Maraming plano si Guy sa Amerika, mayroon pa nga siyang concert kasama sina Ian de Leon at Tirso Cruz III. Kasama rin sana ako sa project na ‘yan kaso ewan ko ba’t pati ako ay ginawan ng intriga. Kaya’t hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa planong ito ni Guy.
‘Yan na nga ba ang sinasabi ko, puwede namang mag-concentrate muna sa career. Kung bakit hindi magseryoso sa trabaho at unahin muna ang mga pangarap sa kanilang buhay. Hindi rin dapat maapektuhan ang kanilang trabaho ng kanilang lovelife.
Samantala, nais kong ipayo kay Ara na huwag muna niyang pasukin ang pulitika. Dahil bukod sa mahirap ay hindi pa ito ang tamang panahon para sa iyo.
Babahiran lang ng pulitika ang mga pinaghirapan mo sa mahabang panahon sa showbiz. Bagama’t alam kong sanay ka na sa mga intriga, pero iba ang labanan sa pulitika anak. Kaya kung ako sa iyo, hinay-hinay lang. At huwag kang padala sa mga sinasabi nila.
May panahon para diyan pero hindi ngayon.
Naniniwala akong marami siyang magagawa sa Lungsod ng Maynila. Isa na rito ang pagbibigay ng pagpapahalaga sa mga historical places na winasak ng pulitika sa mga nagdaang panahon.
Goodluck Madam Imelda!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am