"Noon kapag nagpupunta ako sa mall, nagkakagulo na ang mga tao kaya mga limang minuto lang ang itinatagal ko run at umaalis na ako. Tanggap ko na mas sikat na sa akin si Kim Chiu at katunayan, ang mga fans ko ay naglipatan na sa kanya ngayon," sey nito.
Walang project sa Dos si Sandara at natutuwa ito dahil nakasama siya sa Dalawang Tisoy, ng Solar na mapapanood sa RPN 9.
May nagtanong kay Sandy kung payag ba siyang magparetoke ng katawan lalo na ang boobs?
"Ayaw ko baka magkaroon ito ng epekto sa aking katawan," aniya.
Wala pa rin silang komunikasyon ng kanyang daddy pero ang boyfriend na si Joseph Bitangcol ang nagsisilbing bodyguard niya at tagapayo tuwing may problema ito. Boto naman ang kanyang mommy kay Joseph.
Naniniwala si Migz na tayo’y makaka-penetrate sa international market dahil puno ng talento ang mga Pinoy. Isa sa prob lema na dapat malutas sa movie industry ay ang film piracy at mataas na taxes na ipinapataw sa mga prodyuser.
"Kailangan din na magkaroon ng sapat na edukasyon tungkol sa film appreciation," aniya.
Alam naman natin na talamak pa rin sa ating lipunan ang paggamit ng droga at isa sa magandang nagawa ni Migz lalo na para sa mga kabataan ay ang pagpasa ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 para mapangalagaan ang mga mamamayan laluna ang mga kabataan na mailigtas sa masamang epekto ng droga.
"We build this game for the Philippines," sey ng executive ng show.
Mahilig kasi ang mga Pinoy sa bingo. Ang Slingo ay kumbinasyon ng bingo at slot machine. Isa sa co-host ay ang seksing si Margo Montano na excited sa kanyang pagbabalik-showbiz.
Naniniwala ang Mojo Pacific na sa pamamagitan ng makabago at inter-active technology at aesthetic appeal, ang Slingo ay makapagpapataas sa pamantayan ng game show programming sa Pilipinas.
Napanood na ito nung Sabado sa Channel 5 7-8NG.