Bading ang matinee idol na karelasyon ng matrona
March 23, 2007 | 12:00am
Lumalakas ang kampanya sa industriya ng entertainment sa ating bansa na ibalik na lang sa mga lider ng industriya ang pagpapatakbo ng taunang Metro Manila Film Festival, na sa loob ng ilang taon ay pinatatakbo ng _MMDA at ng Manila Broadcasting Company.
Taun-taon ay may nangyayaring mga kontrobersiyal na desisyon, at ang pinakamatindi nga ay noong nakaraang taon kung kailan naisipan nilang ang top grosser ang siyang best picture na taliwas sa criteria ng lahat ng festivals at awards sa kahit na saan. Karaniwang ang pinakamahuhusay na pelikula ang best picture. Diyan lang sa MMFF nakabase sa kita ang pagiging best picture.
Marami ang nagsasabi na di hamak na mas maayos ang festival noong ang industriya ang nagpapatakbo nito, at pumalpak nga lang dahil sa maling handling nitong mga nakaraang taon. Hindi naman siguro kailangang ipagdikdikan pang ang mga nangangasiwa kasi ay mga wala namang kinalaman sa industriya ng pelikula.
Pero mukhang hindi ibibigay ng MMDA ang festival sa industriya, kaya ang nagiging attitude naman ngayon ng marami, hindi na sila sasali sa festival at pababayaan na lang na ang dalawang kumpanyang gumagawa ng lahat halos ng film entries ang sumali. Sa loob ng_ ilang taon nang nakararaan, puro mga pelikula na lang ng Regal at OctoArts ang isinasali sa festival na yan.
Nitong mga nakaraang taon, halata na ang kawalan ng kooperasyon ng mga tao ng industriya ng pelikula dahil sa kawalang gana sa sistema ng film festival.
Isang matrona ang nagsasabing talaga nga raw palang bading ang isang matinee idol. Hindi naman ikinakaila ng matrona na nagkaroon din siya ng interes sa guwapong matinee idol, at maganda naman daw ang kanilang usapan, hanggang sa dumating sa point na kailangang aminin sa kanya ng matinee idol na bading nga ito, dahil nahuli mismo ng matrona ang mga text messages na ipinadala sa bading na matinee idol ng kanyang lover na isang male star din. Mabilis na tinapos ng matrona ang kanilang relasyon, at ngayon ikinakalat pa niyang bading nga ang matinee idol na iyon.
Dahil sa pagkakahuli kay Niño Muhlach, matapos na mai-tip ng isang informer ng pulisya ang diumano ay pagbili niya ng shabu mula sa isang nakatakas na dealer noon, nagsimula na naman ang mga usapan tungkol sa iba pang mga artistang drug dependent.
Marami ang nagsasabing siguro dapat ngang ituloy ng KAPPT ang nasimulan noon ni Kuya Germs na project na magpa-drug test ang mga artista, bagama’t may nagsasabi naman na yon ay maaaring labag sa human rights ng mga artista. Pero sana nga malinis naman ang pangalan ng mga artista sa mga bagay na yan.
Taun-taon ay may nangyayaring mga kontrobersiyal na desisyon, at ang pinakamatindi nga ay noong nakaraang taon kung kailan naisipan nilang ang top grosser ang siyang best picture na taliwas sa criteria ng lahat ng festivals at awards sa kahit na saan. Karaniwang ang pinakamahuhusay na pelikula ang best picture. Diyan lang sa MMFF nakabase sa kita ang pagiging best picture.
Marami ang nagsasabi na di hamak na mas maayos ang festival noong ang industriya ang nagpapatakbo nito, at pumalpak nga lang dahil sa maling handling nitong mga nakaraang taon. Hindi naman siguro kailangang ipagdikdikan pang ang mga nangangasiwa kasi ay mga wala namang kinalaman sa industriya ng pelikula.
Pero mukhang hindi ibibigay ng MMDA ang festival sa industriya, kaya ang nagiging attitude naman ngayon ng marami, hindi na sila sasali sa festival at pababayaan na lang na ang dalawang kumpanyang gumagawa ng lahat halos ng film entries ang sumali. Sa loob ng_ ilang taon nang nakararaan, puro mga pelikula na lang ng Regal at OctoArts ang isinasali sa festival na yan.
Nitong mga nakaraang taon, halata na ang kawalan ng kooperasyon ng mga tao ng industriya ng pelikula dahil sa kawalang gana sa sistema ng film festival.
Marami ang nagsasabing siguro dapat ngang ituloy ng KAPPT ang nasimulan noon ni Kuya Germs na project na magpa-drug test ang mga artista, bagama’t may nagsasabi naman na yon ay maaaring labag sa human rights ng mga artista. Pero sana nga malinis naman ang pangalan ng mga artista sa mga bagay na yan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended