Iba na talaga ang panahon ngayon kung dati-rati ay napapanood lamang si
Gary Valenciano sa kanyang mga concerts, ngayon live siyang mapapanood sa Robinson’s malls sa buwang ito. Samantalahin dahil ito ay para sa promo lamang ng repackaged edition ng kanyang album na
"Relevance"
na may karagdagang 2 additional songs, ang new version ng "Sana Maulit Muli" at ang inspirational song na
"When I Hear You Çall."
Ang una ay theme song ng isang serye sa
ABS CBN at ang ikalawa ay sinulat niya para sa
PBB Teen Edition. Nagtataglay din ang album ng music videos ng mga singles at minus ones.
Nasa Robinsons Pioneer siya ngayong hapon at Robinsons Metro East sa Mar. 24. Shows start at 4PM with autograph signing by
Gary V after the show.
Ngayong gabi na ang
23rd Star Awards for Movies na magaganap sa UP Theater at may telecast bukas Mar. 24 sa
IBC 13, 10NG-1NU. Prodyus ito ng
Starview Prods. sa direction ni
Arlene Tolibas. Hosts sina
Jericho Rosales– at
Heart Evangelista, Dingdong Dantes at
Iza Calzado, trivia host si
Ryan Agoncillo. Performers naman sina
Jed Madela, Frenchie Dy, Gerald Santos, Aicelle Santos, Lovi Poe, Ogie Alcasid Aiai delas Alas at
Jaya. Ulirang artista sa taong ito si
German "Kuya Germs" Moreno. Mapapanood na sa
ABC 5 ang mga winning
Cinemalaya films nung 2005. Sa Sabado, Mar. 24, 9-10NG, palabas ang
Pepot Artista ni
Clodual-do del Mundo. Kasama rin sa ipalalabas ang
Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros at baka pati na ang mga finalists ng 2006 at 2007.
Period film ang
Pepot Artista,_ set in the 70s kung kailan nauso ang mga superstars na iniidolo ng bansa. S-i Pepot ang kumakatawan sa bawat starstruck Pinoy youth na hahamakin lahat matupad lang ang pangarap.
veronicasamio@yahoo.com