Si Rochelle lang ba ang hina-habol ng tao sa Sexbomb?

Naitanong namin ito dahil biglang bumaba ang ratings ng 14th Season ng Daisy Siete na may episode title na Siete-Siete, Mano-Mano simula nung nawala na ang singer/actress sa nasabing Dramarama sa Hapon ng GMA-7.

According to research ay si Rochelle raw ang gustung-gusto ng mga loyal viewers ng DS dahil nakasanayan na raw kaya kapag hindi nila napapanood ang dalaga sa nasabing afternoon drama ay iba na lang ang pinapanood nila.

Ang esplika ng manager ng SB na si Joy Cancio, "Busy kasi si Rochelle para sa first album niya, e, malapit na ang launching kaya inuuna muna. At saka nag-give way din siya for Jopay Paguia na siyang bida ngayon sa 14th Season."

Pero gumawa pa rin ng paraan ang mga producer at director ng DS, "Ibabalik si Rochelle, abangan mo, magugulat ka sa kanya," say sa amin ni Joy.

Hindi deretsahang binanggit sa amin ni Joy kung anong eksena muling mapapanood si Rochelle, pero nadulas ito na ibang karakter na raw.

Samantala, very thankful si Joy sa lahat ng sumusuporta pa rin sa Sexbomb dahil everytime raw na guest sila sa Eat Bulaga ay nanalo sa ratings game ang nasabing noontime show ng GMA-7 over ABS-CBN’s Wowowee.
* * *
Sa press launch ng stage play ng Rock Da Vote nina Tessie Tomas, Jon Santos, Candy Pangilinan, Manny Pooh Quiao at John Lapus namin nalaman na kapag ganitong dumarating ang eleksyon ay favorite nilang i-spoof ang mga kumakandidato lalo’t kontrobersyal ang mga ito.

Nag-umpisa raw ang Rock Da Vote late ‘80’s pa at talagang click ang play na ito at higit sa lahat, malakas ang raket ng mga stand-up comedian at comedienne sa ganitong panahon.

Sa April 13 at 14 ay si Tessie ang special guest at siyempre pa, ang favorite niyang i-spoof ay si Meldita, Mel Sakit Tiyanko. At sa April 20 at 21 ay si Chokoleit naman ang mapapanood bilang si Sherap Espada at Bro. Mike.

Samantala, sina Jon ay si Ate Vi, Kuringning Sanchez at Madam Melding, Candy bilang si Presidentita Gloring at Miriam Santiagot, John naman ay si Madam Auring, Tita Cory at Kris.

Samantala, ibinahagi rin nina John, Jon at Candy ang mga kakaibang experience nila kapag nagso-show sila dahil nakakaloka raw talaga, lalo na kung corporate event.

Nasubukan na raw pala nilang dumadaldal ng ilang oras tapos wala naman palang nakikinig dahil may kanya-kanyang ginagawa, kaya’t nakaka-disappoint din daw.

"Lalo na kung sa casino ka magso-show, sa gitna ng mga naglalaro ng slot machine, lalo na kung talunan na ang mga tao, maiinit na ang ulo at imbes na manood sa amin, sinisigawan kami dahil maingay daw kami, o di ba, nakakaloka?" kuwento ni Candy.

Halos ganito rin ang naibahagi nina Jon at John dahil iisa lang naman daw ang ginagalawan nilang mga stand-up comedian.

Samantala, kakaiba naman si Pooh dahil nga pawang beterano at beterana raw ang makakasama niya sa Rock Da Vote, e, worried siya na baka raw makalimutan niya ang script niya sa sobrang nerbyos.
* * *
Ini-launch na ang debut album ni Jay-R Siaboc, Jr na may titulong "Hiling" sa ASAP ’07 nung Linggo pagkatapos nitong ma-bump off ng dalawang linggo.

Esplika ng taga-ASAP ’07 ay, "Gusto kasi namin, bongga ang launching kasi nga ‘yung kay Yeng Constantino, bongga rin, so dapat ganun din, e, nasasabay parati sa ibang okasyon, baka matabunan, kaya yesterday lang natapos.

"Ang ganda ng response ng tao sa album ni Jay-R kaya full blast na ang distribution ng album sa record bars," esplika sa amin.

Samantala, kabado naman si Jay-R dahil ikinukumpara ang album niyakay Yeng na in two weeks time ay nag-platinum na kaagad, "Magkaiba kami ng music ni Yeng, at saka kilala na ‘yung mga kanta niya kasi nasa loob palang kami ng academy, pinatutugtog na," katwiran naman sa amin ng binatang ang tanging pangarap noon ay makilala bilang singer sa Manila.

"Oo nga po, e, he, he, kilala na rin ako sa Japan. at sa US din daw po, kilala na ang Top 6 kasi sa TFC at PDA." -REGGEE BONOAN

Show comments