Maraming koleksyon si Dennis Trillo

Hindi na kayang takpan ng make-up ang malaking tattoo ni Dennis Trillo, (wolf na may kagat-kagat na fish) sa kanyang balikat hanggang braso kaya nagtitiis siya kahit masakit na ipabura ito ng paunti-unti.

Nagrereklamo rin ang mga bading dahil hindi ginamit sa cover ng kanyang album yung sexy photo niyang naka-off shirt at may hawak na gitara.

"High school pa itong tattoo ko, pero kasi hindi na bagay sa image ko kaya kahit medyo masakit, tiis lang. Yung sexy photo sa loob lang ng album namin inilagay kasi may mga bagets na rin akong mga fans sa Super Twins," sabi nito.

At sa mga ladies na nag-aasam kay Dennis hanap niya sa isang babae yung simple at nakakaintindi ng kanyang trabaho. Higit sa lahat, dapat masarap magluto at type niyang siya ang inaalagaan ng girl.

"Gusto ko lang yung tipong maasikaso at sensitive sa needs ko," sabi ni Dennis.

Pero ang first love niya talaga ay music kung saan high school palang ay tumutugtog na siya ng drums at ngayon ay may sarili na siyang album.

Sumasabay ang anak ko sa mga kanta ni Dennis. Ganito rin ang effect sa mga fans ni Dennis sa dalawang malls na kinantahan niya. Ipinagmamalaki ng actor-singer kung paano nakapasa sa panlasa ng mahigpit na pagbabantay ng bawat kanta ng isang Regine Velasquez at positive pa si Ogie na maghi-hit ang kanta niya, may katwiran si Dennis na hindi siya mapapahiya sa kanyang album.

Sinasabi ng mga kasamahan niya sa SOP na mataas ang rating nila dahil sa album launch nito nung nakaraang Linggo, kumpara sa ASAP dahil sa sobrang support ng fans ng aktor. Sa first mall tour ni Dennis na-sold out agad ang 256 copies na dala-dala nila kaya nagpagawa pa uli sila ng additional copies ng album.

Ang "Dennis Trillo" album ng 25 yrs. old na singer na graduate ng International Studies sa Miriam College ay release ng Indi Music.

Samantala, bayad na ni Dennis ang condo unit na tinitirhan niya ngayon at nasa last year of payment na rin siya ng kanyang Ford car. Ngayon bukod sa savings ay makikisosyo naman siya sa negosyo ng Barraks Bar. Mahilig din siyang mag-collect ng video games, at DVD movies.
* * *
In fairness, may karapatang makasama sa compilation ng "Sana Maulit Muli" ang single ng Six Part Invention na "All This Time" ng Star Records. Kanta ito ng isang lalaki na inaasam na nasa tabi niya ang girl nang ma-realize nitong mali siya pero wala na ang kanyang mahal.

Ang Six Part Invention ay may sarili ring album na release ng Dyna Records at magaganda ang mga kanta tulad din ng "Only For You," at "Loving You". Ang banda ay binubuo ng 5 members, Rey Cantong (vocalist/composer at band leader), Khaye Malana (lead vocalist), Tag Cantong (drummer & percussions) at Andy Dela Cruz (bassist).
* * *
Sinimulan na ng teen idol na si Gerald Anderson ang bagong summer craze sa pamamagitan ng kanyang dance smash sa tunog na "Don’t Play With Your Noodle (La La La)." Kasama rin sa CD ang 2007 remix ng mga kantang "Dale Candela," "Just Can’t Get Enough," "Somebody Watching Me," "Bizarre Love Triangle," "Bad Boy," at marami pang iba na release ng Universal Records.

Show comments