Nasa prep na si Ashley sa St. Paul’s University at marunong nang magsalita ng Tagalog. Kung ang aktres ang masusunod, gusto niyang sa Pilipinas ito lumaki. Kahit si She ay gusto na ring manatili sa bansa dahil maganda naman ang takbo ng kanyang career at hinahangaan ang akting sa Bakekang bilang kontrabida.
Kaso maganda ang trabaho ni Norman sa Amerika at di naman niya ito maiwanan. Tuwing bakasyon na lang makakauwi rito ang asawa niya.
Bumili ng bagong bahay ang magandang aktres para may mauuwian sila sakaling pumunta ng Tate. Magtatapos na ang Bakekang after Holy Week at inamin ni She na mami-miss niya ang soap opera dahil napamahal na silang lahat sa isa’t isa lalo na si Sunshine Dizon na katunggali niya rito.
"Para itong Pier One na tambayan ng magkakabarkada kapag gustong gumimik. Nakatakda kaming magbukas after Holy Week," aniya.
Sa kabilang banda, natupad na rin ang pangarap nitong maging isang recording artist.
Nakalabas na ang kanyang unang CD under Indi Music na pag-aari nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.