Sa kanilang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa ay ngayon lamang sila mabibiyayaan ng kanilang magiging unang supling na nakatakdang isilang sa last part ng Oktubre ng taong kasalukuyan.
Samantala, ang proceeds ng concert ni Raymond sa Teatrino ay mapupunta sa Bagets Foundation na itinatag ng mga Bagets stars na kinabibilangan nina Quezon City vice-mayor Herbert Bautista, William Martinez, Yayo Aquila, Ramon Christopher, Jobell Salvador, Eula Valdez, Chesca Iñigo-Laurel at ni Direk Maryo J. de los Reyes at iba pa. Layunin ng foundation ang matulungan ng mga kabataang scholars sa kanilang pag-aaral. Sa gabi ng concert ni Raymond, ipinakilala ang walong scholars na kasalukuyang nakikinabang ng tulong mula sa Bagets Foundation.
"Tita, wala pa rin si Kuya Germs. Sana malapit ka na kasi magsisimula na ang program," anito sa amin.
Mabuti na lamang at umaandar ang traffic sa may Quirino Avenue hanggang makarating kami ng Roxas Boulevard. Pasado alas-singko ng hapon ay nasa tapat na kami ng Philippine Star building sa Port Area.
Nakakatuwang isipin na naka-21 taon na ang PSN, ang nangungunang tabloid sa kasalukuyan. At sa 21 taon ng PSN, ilan sa mga empleyado ang pinarangalan ng Loyalty Award na tumagal 20 taon sa kumpanya ganundin ang naka-15 taon. Isa itong magandang indikasyon na maganda ang pamamalakad ng management kaya nakatagal ang mga taong ito.
Kung anuman ang tagumpay na narating ng PSN ito’y dahil na rin sa maayos na pamumuno ng batang presidente ng kumpanya, si G. Miguel Belmonte.
Lubos ang aming pasasalamat sa aming patnugot na si Veronica Samio at kay G. Miguel Belmonte dahil kabahagi kami sa PSN na hindi lamang sa Pilipinas nababasa kundi sa buong mundo.
Sana, umabot pa ng marami pang taon at lalo pang lumakas ang PSN!
Pagkatapos ng programa, agad kaming umalis para humabol sa Malacanang para sa dinner ng mga taga-entertainment media kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. On our way to Malacanang galing Philippine Star ay katakut-takot ding traffic ang aming sinuong pero nakarating kami ng Malacanang bago mag-alas-otso ng gabi. Nang matapos ang dinner sa Malacanang ay humabol pa kami sa Loyola Park sa Marikina para magbigay ng aming huling respeto sa namapayang direktor na si Joey Gosiengfiao. Pasado alas-dose na ng midnight nang kami’y makauwi at makapagpahinga. Pagod man ako, masaya pa rin ang aking pakiramdam.