Kung narito si Nora, susuportahan niya si Vilma!
March 18, 2007 | 12:00am
Ang balita nga naman, nanahimik sa Amerika si Nora Aunor; kung bakit may nakarating na balita rito sa atin na nakulong daw ito dahil hindi nito nakumpleto ang mga kailangan niya para sa tinatawag na community service. Halos magpuputak sa galit ang maraming Noranians, sa pangunguna ni Albert Sunga, ang namamahala ng lahat ng Nora Aunor fans clubs. At sino naman ang matutuwa sa ganitong balita? Mabuti nga’t magkakaroon na naman ng series of shows si Mama Guy, kung saan kasama pa niya sina Tirso Cruz, Ian,, Kristofer, Lotlot at dalawa pang kapatid, pati na ang kaibigan nilang singer na si Michael Laygo; habang naghahanda na si Mama Guy sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas.
Pero ayaw yata siyang pauwiin dito sa ganitong mainit na panahon ng eleksiyon.
Biniro namin ang ilang Vilmanians na nakita namin noong Ani Awards ng Mowelfund.
Gusto na nga namin siyang umuwi, lalo na ngayong tatakbo si Ate Vi, at saka hindi ba ninyo napapansin, walang ingay ang showbiz? Kung mag-ingay man si Ate Vi ay tungkol sa pulitika. Kung nandito lang si Ate Guy, tiyak na marami na naman ang kukuha sa kanya para mag-endorso ng pulitiko.
Sa palagay ba nila, papatulan ni Mama Guy ang pulitika ni Ate Vi?
Halos sabay-sabay na sumagot ang Vilmanians: Syempre naman! Sure na kami sa panalo ni Ate Vi. At lalo naming mamahalin si Ate Guy pag nagkataon.
Sinabi ni Albert na natawa lamang si Mama Guy nang magkausap sila sa telepono. Talagang tinatawanan na lamang ng superstar ang anu- mang balita tungkol sa kanya. Baka raw ang kasunod ay mapagbintangan siyang tumakas at umuwi at nagtatago sa Pilipinas. – BOY C. DE GUIA

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended