Dalawang cute na babae ang mga anak nila, sina China at Kia, na hatid sundo nito sa iskwela. Ayaw ni Amanda yung karaniwang nangyayari, na mas mahal pa ng mga anak ang yaya nila, selosa siya sa pagmamahal.
Masarap magluto si Amanda, kaya marahil mahal na mahal ng kanyang asawa. Babaeng bahay talaga ang style niyang magpamilya. Pinatigil na siya ng pagtatrabaho ng asawa, dahil kaya naman nilang masunod at mabili ang mga kailangan. Marami ring pelikulang pinagbidahan si Amanda nun.
Tatakbong barangay captain sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City ang kabiyak ni Amanda. Nakahanda siyang tumulong-tulong sa pagkampanya nito. Kung sakali, magagamit ni Amanda ang maganda niyang boses sa pagkampanya. Dating kumakanta si Amanda at magaling sumayaw.
Tapos ng College si Major Yu at may karapatang tumakbo para makatulong sa mga nangangailangan. – VIR GONZALES