Ang mananalo, kasama pa ang dalawang runners-up ay bibigyan ng kumpletong surgical asthetic makeovers, dental at dermatological procedures, sa buong panahon na tatakbo ang timpalak.
Ang kailangan lang para makasali ay talagang hindi kayo maganda, 18 to 35 years oldat naniniwala kayong meron pang magagawa ang makabagong syensiya ng pagpapaganda upang mapatingkad ang inyong personalidad.
Sabi nga ni David Bunevacz, president at CEO ng Beverly Hills 6750, ang "pangit" ay hindi lang tumutukoy sa karaniwang kahulugan nito. Ang layunin ng timpalak ay hindi tumutukoy sa pagiging vanidosa ng mga babae, na gagawin ang lahat upang gumanda.
Higit na binibigyang halaga ng Beverly Hills 6750 ang kagustuhan ng mga kababaihan na madagdagan ang kanilang self-confidence sa paraang ma-enhance ang kanilang physical attributes.
Dagdag naman ng misis ni David na si Jessica Rodriguez, dapat at least 5’3" ang taas ng contestant, high school graduate (parang Bb. Pilipinas noon), at marunong magpahayag ng kanyang saloobin.
Kung gusto ninyong sumali at naniniwalang meron pa kayong ikagaganda, sumulat at magpadala ng litrato (full body at close-up sa Beverly Hills 6750, 11th Floor, 6750 Ayala Ave., Makati City or Email: missugly at bh6750.com.ph.
Mula sa 20 qualified entries, pipili ng 10 semi-finalists. Sa 10, kukunin ang tatlong winners via text votes sa Smart. Magkakaroon ng public presentation ng tatlong finalist at ang final winner ay pipiliin din via text votes.
Sabi pa ng Beverly Hills 6750 marketing director Jessica Rodriguez-Bunevacz, make-up at siguradong pati personal hygiene. Pagkatapos ng contest, daig pa ang bagong bukang mariposa ang tatambad sa publiko bilang Miss Ugly (No More).
Kasi naman pawang mga batikang espeyalista sa kani-kanilang larangan ang bumubuo ng medical staff ng Beverly Hills 6750. Si Dr. Rene C. Valerio ay 20 taon ng dalubhasa sa larangang ito.
Ang medical director na si Dr. Eduardo A. Santos ay bantog na surgeon at kasali sa American Institute of Surgeons. Si Dr. Francisco Manalo ay may 10 taong experience sa asthetic and reconstructive platic surgery, nagpakadalubhasa sa Melbourne, Australia at dumalo sa maraming symposia sa kanyang larangan sa maraming lugar sa USA at Asia.
Si Dr. Maria Angela Tomacruz-Cumagum ay kilala sa clinical and aesthetic dermatology at nag-training pa sa University of Miami. Ilan lang sila sa mga eksperto sa pagpapaganda na nasa Beverly Hills 6750 Medical Team na kasaling lahat sa Miss Ugly (No More) nationwide search.
Sana naman maipalabas sa isang major network ang contest, dahil lubhang naiiba ito at ngayon lamang gagawin sa ating bansa.