Kung hindi pwedeng maging bf ni Maja, kahit bestfriend, pwede na kay Jason!

Marami ang manghihinayang kapag nalaman nila na ni hindi nililigawan ni Jason Abalos si Maja Salvador. Hindi na itinuloy ng binata ang balak niyang panliligaw sa batang aktres nang makita niyang napaka-haba pala ng pila ng manliligaw nito. Sa halip ay pumayag na lamang itong sumama sa maikling pila ng best friends nito.

Magkasamang muli ang dalawa sa pelikula ng Regal na pinamagatang My Kuya’s Wedding na kung saan ay gagampanan ni Maja ang papel ng isang selosang kapatid ni Ryan Agoncillo na gagawin ang lahat para lamang hindi matuloy ang pagpapakasal nito kay Jennylyn Mercado.

Big break ang movie para kay Maja dahil siya ang nasa titulo at lumalabas na ang mga kasama niya sa movie ay suporta lamang niya. Ididirihe ng movie ng isang direktor ng Indi Film na si Topel Lee na first time mag-direct ng isang romantic comedy movie which also stars, IC Mendoza.
* * *
Mabilis ang pagsulong ng career ng feng shui expert na si Master Ehbbo Rubio dahil wala yatang mintis ang mga advice na ibinibigay niya sa kanyang mga kliyente.

Tulad na lamang ni Luzviminda Jasmine na nang malaman mula kay Master Ehbbo ang sikretong kumbinasyon ng kanyang pagkatao ay mabilis na umangat ang buhay. Lahat ng aspeto na makakapagpatibay ng kanyang kabuhayan ay itinuturo nito sa kanya ang tinatawag ding tornado expert.

Bilang pasasalamat niya at ng kanyang kumpanya na tinulungan nito, ang Lujas Enterprises, ginawaran niya ng parangal si Master Ehbbo.

Bukod sa kumbinasyon ng sariling pagkatao, tahanan at kabuhayan na dapat matutunan ng lahat, importante rin ang araw, bilang at kulay dahil nagbibigay ito ng mataas, matatag at positibong pangyayari sa buhay ng tao. Para sa ibang detalye, tumawag sa 4275083/4315523/09213112472.
* * *
Bilang pagdiriwang ng kanilang ika-10 taong anibersaryo, naglabas ang tinaguriang Retro-Pop & Party Authority, ang REtroSPECT ng isang album under Godspeed Music at ipinamamahagi ng Ivory Music & Video na pinamagatang "REtroSPECT Decade" na nagtatampok sa carrier song na "Getaway", song & lyrics by Ogie Ramos & J. Martin Castro & music by Miguel Cortes.

May 14 tracks ang album nina Gold Castro, Ogie Ramos at J. Martin Castro na pawang mga house/dance at emo-rock. Kasali rito ang "Who Will", "Decade", "Trilogy", "Take the Pain Away", "Love Forsaken, "Heaven Is On Me" at marami pa.

May mall tour ang REtroSPECT ngayong buwang ito at sa buwan ng Abril, mayro’n silang nationwide tour.
* * *
Natapos na last week ang pamamayagpag ni Suzette. Naagaw ng kauna-unahang male defending Pop Star Kid ang kanyang korona. This week, sisimulan na ni Niel Manalon na makabuo ng apat na panalo. Makapasok kaya siya sa grand finals? Makaya-kaya niyang ma-outshine sina Jeleen Itaas, Agel dela Cruz, at ang Cebuanang si Jenny Rose Villanueva?

Pahahangain naman ang lahat ng manonood ni Kyla ng kanyang rendition ng "Hurt", gayundin ang Sugarpop. Bibisita rin si Harry Santos. Lahat ng ito ngayong 7NG sa Pop Star Kids sa QTV11.
* * *
E-mail: veronicasamio@yahoo.com

Show comments