Paolo, naka-blind items na!

Aware pala si Paolo Bediones na siya ang naba-blind item na TV host na nagtatago ngayon dahil sinisingil ng mga kasosyo sa negosyong networking dahil hindi maibigay ang shares nila.

Natatawang nailing ang TV host cum entrepreneur sa isyu dahil, "Paano ako magtatago? Alam lahat ng tao kung saan ako matatagpuan o makokontak?

"Maglabas sila ng ebidensiya kung sino ‘yung mga taong nagrereklamo sa akin, but since wala naman silang mailabas, e, bakit ko papatulan? It’s just a waste of time, bakit ko pa iintindihin, hindi naman makaka tulong sa akin? I might as well indulge my time to my business, marami pa akong taong matutulungan," esplika ni Paolo na hindi man lang nakitaan ng pagkainis o pagkabahala sa isyu.

After 11 years in showbiz at nag-umpisa sa maliit na puhunan ay nasa P40M na raw ang pinaiikot ngayon ng binata sa I/Tech.PH business na may office address sa 19th Floor, Suite 1904 Antel Global Corporation Center, Julia Vargas Avenue, Ortigas Center, Pasig City at maaring tumawag sa numerong 635-3402 for inquiries.

Samantala, wala pa ring girlfriend ngayon si Paolo dahil ang last niyang karelasyon ay hindi raw nag-work kaya’t nagbiro itong ihanap siya ng mapapangasawa dahil nagkaka-edad na nga siya. – Reggee Bonoan

Show comments