Buhay showbiz ko...noon at ngayon

May mga nakakatuwa akong karanasan sa aking buhay-showbiz noong una akong pumasok sa Pilipino Star taong 1986. Kagagaling ko lang nun ng Canada, pinuntahan ko ang aking yumaong uncle na si Oscar Miranda para sabihin sa kanyang gusto kong magsulat. Atubili siyang tanggapin ako dahil sabi niya "The pay here is not as lucrative as what you are receiving at UE as counselor professor."

Pero sa kabila nito, kinulit ko pa rin siya para kunin ako sa PSN bilang kolumnista niya. Ito rin ang nagbigay daan para irekomenda kay Wilson Tieng, malapit na kaibigan niya para maging publicist ng Solar Films dahil nangangailangan siya ng bagong PRO. Sa kabutihang palad, natanggap naman ako at naging part-timer.

Hanggang nag-PR din ako ng programang Vilma kaya nagkalapit kami ng loob ni Vilma Santos.

Nagsimula akong mag-PR ng mga talent at higit sa lahat, mag-manage ng kaisa-isang artista (Rochelle Barrameda) na una at huli kong hinandle. Mahirap palang maging manager...di ko kaya.

Pinanday ng panahon ang pagiging demure ko mula sa acadame kaya nakapasa ako sa aking buhay-showbiz noon.

Dumami pa ang mga kaibigan ko mula sa showbiz, pulitika, ordinaryong mga tao hanggang sa mga elitista. Kahit sabihin ng pabiro ng mga kaibigan kong professor na "baduy" ako ay okey lang dahil enjoy ako sa mundong ginagalawan ko ngayon kahit puno ng intriga at kabaliwan. Kung noon ay nagli-lecture ako ng transcedental meditation, stressmanagement, nagko-conduct ng group dynamics ngayon ay di na ako nagli-lecture kundi nagbibigay ng aliw sa mga kaibigan tungkol sa mga kwentong showbiz, mga blind items. Kapag nagpupunta ako sa restoran na madalas kong kainan o bangko ay importansya ang ibinibigay sa akin dahil sa mga kwentong showbiz.

Show comments