Oras na para sa halip na tanungin natin ang pamahalaan at ang publiko kung ano ang magagawa nila para sa mundo ng pelikula, tanungin nating mga taga-pelikula kung ano ang ating magiging ambag, hindi pa huli ang lahat at sa pamamagitan ng Mowelfund, simulan natin sa pagkakaisa, tema ng huling theme song na nilathala ng kilalang Hotdog band sa pamumuno ni Rene Garcia.
Mula pa nung March 1974, sa pagtataguyod ng dating pangulong Joseph Estrada, tahimik nang tinutulungan ng Mowelfund ang mahigit na 4,000 mga kapatid natin sa pelikula, sa pamamagitan ng welfare benefits sa medicine, health, hospitalization, death at ngayo’y pati sa film education, pabahay at paghahanapbuhay.
Sa pamamagitan ng ating livelihood programs, hindi lang natin binibigyan ng isda ang mga nangangailangan, tinuturuan din natin silang mangisda.
Bilang bahagi ng ating film education program sa ilalim ng Mowelfund Film Institute, itinatag rin kamakailan ang Pambansang Museo ng Pelikula. At nitong Marso 10, 2007, ang Paradise of Stars ni German Moreno na naglatag ng mga bituing nagbibigay parangal sa industriya bilang artista.
Ngayong Sabado, March 17, 2007, 33 taong anibersaryo ng Mowelfund. Magtitipun-tipon mula l0NU hanggang 5NH ang mahigit na 2,000 members ng foundation. Bukod sa tradisyunal na Misa, pagbati, free medicall and dental check-ups, free clinic, bingo, raffle at pakain ay mamyro’n ding entertainment.
Nagpapasalamat,  Boots Anson Roa