Nagkuwento nga tuloy si Kuya Germs kung papaanong noong araw ay pinilahan ng mga tao ang Clover Theater nang‑ kumanta roon si Lilia Dizon. Talaga raw ang pila, hindi matapus-tapos kahit na tatlong show na ang ginagawa nila araw-araw.
Pagkatapos noon, kumanta naman si Bella Flores. Naturally in the end, nahilingan din nilang kumanta ang master showman mismo, si Kuya Germs. Kaya nga noong malapit nang matapos ang programa, lalong nagkasiyahan ang mga taong naroroon.
Nakakatuwa ang mga ganyang gathering sa showbusiness. Kahit nga sinasabi nilang ang pelikula ay lugmok na, kahit pa sinasabi nilang namamatay na ang entertainment industry sa ating bansa, basta ganyang nagkikita-kita ang mga artista, parang nabubuhayan ng loob ang lahat ng mga nakakapanood sa kanila.
Pero ito ang tsismis. Alam ba ninyong sa kabila ng lahat ng ginagawa ni Kuya Germs para parangalan ang mga kapwa niya artista, mayroon pang masama ang loob dahil hindi raw sila nailalagay sa Walk of Fame? Mayroon namang nagsasabi na bakit daw yong ibang nasa Walk of Fame na, nasa Paradise of Stars pa?
Nang sabihin ni Kuya Germs na inuunti-unti niya dahil malaking gastos din naman at hindi niya kaya nang sabay-sabay, alam ba ninyong may nagsalita pa na kaya naman daw nilang bayaran iyon. Grabe hindi ba?