Ayon dito, magiging abala sila ni Cong. Jules sa pangangampanya kung saan tatakbo uli itong congressman sa Kabisayaan. Plano na nilang magka-baby nexy year kaya magkakaroon sila ng second honeymoon sa Europe.
Kinumusta namin ang kanyang married life ngayon at sinabi niyang kuntento siya sa piling ng asawa. Inamin nito na wala siyang problema dahil submissive ito sa kanya at feel na mahal na mahal siya nito. Hindi naman siya umaasa sa pera ng asawa dahil simple lÿang ang kanyang pangangailangan sa buhay.
"Hindi ako maluhong babae. Kahit hindi branded ang mga damit ko ay okey lang dahil hindi ako metikulosa sa mamahaling gamit," aniya.
Tinanong din namin kung kumusta na ang pakikitungo nito sa mga anak ni Jules.
"Kapag may problema, sa akin sila lumalapit imbes na sa kanilang ama. Itinuturing ko silang parang tkayunay na mga anak," sey pa nito.
Kahit busy silang mag-asawa ay nagagawa pa nilang kumain sa labas pag-Sunday.
Ayon pa rin kay Wilma, iba na ang itsura ngayon ng mga aspirants kung saan may potensyal silang maging supermodel.
Ang Philippine’s Next Top Model ay napanood na simula noong Martes. Prodyus ng Solar Entertainment sa Channel 9.
Sa Grand Finals ng kompetisyon sa March 18 na itinaguyod ni Kon. Ariel Inton ay magiging emcee siya kasama si Junne Quintana. Special guest din si Faith Cuneta. Hangad ni Kon. Inton na makapaghatid ng saya sa ikaapat na distrito ng Quezon City kaya nagkaroon ng TODA singing competition.
PERSONAL: Nagpapasalamat ako sa 2007 National Achievers Excellence at Consumers Choice Awards sa pagkakaloob sa akin ng Model Achievers Award for Media & Journalism/Socio Civic na idinaos noong Marso 10 sa PICC. Maraming salamat po!