Ang tagal-tagal inabot ang presentation na kung di lamang siguro dahil kay Dennis, sa napaka-charming niyang manager na si Popoy Carotativo at sa isa pang may-ari ng Indi Music na napaka-grasyosa rin na si Leo Dominguez ay baka walang nagtyagang tapusin ang buong presentasyon. Ang masaya pa, hindi mo ma-interview si Dennis tuwing may break sa kanyang pagkanta. Di ko alam kung may natira pang media na nakapaghintay para siya makausap tungkol sa kanyang album.
At saka asan kaya ang top men ng Indi Music na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid? Dapat andun sila to support their first recording artist.
In fairness, maganda ang album, napagkamalan ko pang imported nang dumating ako ng Virgin Cafe at pinatutugtog ito.
It contains 12 tracks ("All Out Of Love", carrier song, "Lumilipad", "Her Smile", "Mangarap Lang", "All That I Know", "Magtatagpong Muli", "Love Is All That Matters", "Tanga", "Sayaw" at marami pang iba.
Anyways, pawang may malakas na hatak sa showbiz ang dalawang kandidato, dahil kung hindi nagsipag-asawa kaagad ay baka naging mga artista rin. Sana lang, hindi nila makalimutan ang industriya ng local showbiz kapag senador na sila.