Family day ang Linggo at nasanay na kaming maraming tao sa nasabing kainan, pero ‘yung iba pala ay usisero dahil naroon ang magaling na aktor at naki-usyoso na rin kami.
Naroon ang number one supporter ni PJ, ang kanyang mommy Amy Pascual at nalaman naming hindi na pala siya apektado sa gay issue ng anak dahil taon na raw ang binilang at hanggang ngayon ay wala pa naman daw napapatunayang bading nga ang aktor.
Tulad ng mga litratong lumalabas sa internet kung saan may ka-holding hands at kayakap ang anak, "I didn’t bother to investigate na kung sino ang gumagawa, wala na akong care, kung pitsa pa ‘yan ng mahjong, baka naging interesado pa ako, ako pa mismo ang makikialam d’yan. E, same old issue, paulit-ulit na lang.
"Kung alam lang ng mga naninira kung gaano kababaero si PJ, baka magulat sila, oh well, nung nasa States pa siya, all my friends advised him to always bring condom with him kasi nga, gabi-gabi may date after ng duty niya sa hospital," kuwento ng masayahing ina ni Piolo.
Samantala, loveless ngayon si Piolo dahil ang pangako raw niya sa ina ay, "Gusto raw niya kapag nagka-girlfriend siya ngayon, ‘yun na ang pakakasalan niya, ayaw na niya ng relasyon lang kasi 32 na siya at pipilitin daw niya when he reaches 35, dapat may asawa na siya dahil ayaw daw niyang magsabit ng medalya ng anak na uugod-ugod na siya."
At kung hindi rin babaguhin ang plano ay sa Sta. Barbara Beach, USA (pinagkasalan nina Donita Rose at ng asawa niya) magpapakasal si Piolo.
Samantala, ilang tulugan na lang daw at ipalalabas na ang Walang Kapalit soap drama nina Piolo at Claudine Barretto sa Channel 2.
Oo nga, napansin din naming matiyagang nakaabang si Mrs. Suzuki kay Piolo at maya-maya ay sumunod na rin ang anak na si Mayo para magpa-picture din.  REGGEE BONOAN