^

PSN Showbiz

Mga Pinoy na naging international stars

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Marami ng mga Pinoy musical artist ang nakapag-record sa iba’t ibang bansa at sila’y kinilala bilang mga international stars.

Simula pa sa dakilang opera singer na si Ms. Jovita Fuentes, kinilala na sa buong mundo ang husay sa pagkanta at pagtugtog ng mga Pinoy. Si Fuentes, maraming mga long-playing albums (solo at kasama ng ibang dakilang mang-aawit sa mundo) ang ginawa at ito’y inilabas sa maraming lugar sa daigdig.

Kaya naman siya naging isang recording artist ay dahil sa kanyang husay as a live performer. Kahit sa mga opera o mga solo recitals, nakatanggap ng mga papuri si Ms. Fuentes sa maraming international music critics.

Noon namang dekada ‘60, naging London-based ang isang mahusay na singer, si Belle Gonzales. Siya ay unang sumikat sa ating bansa at anak siya ni Maestra Isang Tapales, na bantog na singer at voice teacher noong kapanahunan niya.

Si Belle ay nakapag-record ng mga albums sa EMI Records, na isa sa leading music companies sa mundo. Isa sa mga albums ni Belle na nakarating din sa Pilipinas, under EMI label ay ang "Black Paper Roses" na pawang mga ballads ang laman.

Natatandaan si Belle ng mga oldtimers sa bansa bilang interpreter ng isa sa pinakamagandang version ng "No Other Love".

Sa Germany naman at ilang parte ng Europa ay sumikat si Boy Adan & His Band. Nakapag-record siya ng maraming albums for Polydor Records, na top recording company sa Germany at Europe, at ngayon ay kasama na sa higit na malaking kumpanyang Polygram.

Si Boy Adan ay nakilalang isa sa mga sikat na singer at ang kanyang banda ay isa sa mga highest paid groups sa Olongapo noong dekada ‘60 hanggang ‘70.

Ang Asia’s Queen of Songs na si Ms. Pilita Corrales ay nakapag-record ng mahigit na 200 albums. Karamihan dito ay gawa ng mga leading companies sa Asia and Australia, kaya’t na-release ang mga ito sa nasabing continent.

Ang mga sikat na singer na kasabayan noon ni Ms. Pilita, tulad ni Merci Molina ay nakapag-record din sa Japan. Sina Carmen Pateña naman ay may mga albums na released sa Thailand, dahil doon sila unang kinilala bilang mahusay na singer.

Si Claire dela Fuente, nakapag-record ng isang English album under WEA (Warner-Elektra-Atlantic) Records na released sa Hongkong and other Asian countries.

Si Lea Salonga, bukod sa mga original soundtrack albums ng "Miss Siagon" ay nag-record ng isang pop album for Warner Music, which was released in the USA.

Si Jose Mari Chan, nagkaroon ng multi-platinum album, "Constant Change" sa Indonesia, Malaysia, Singapore at iba pang bansa sa Asia.

Si Gary Valenciano, nakapag-record ng isang album for Toshiba-EMI Japan na inilabas sa buong Asia. Meron siyang isang gospel album na released sa buong USA.

Ang mga singers na sina Christian Bautista, Geneva Cruz at ang Masta Plann, may mga album na nag-hit sa Indonesia, kung saan big success sina Victor Wood at Freddie Aguilar.

vuukle comment

ALBUMS

ANG ASIA

ASIA AND AUSTRALIA

BELLE GONZALES

RECORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with