Bakit naman naisipan ni Angelica na pumasok na rin sa pulitika?
"Bata pa ay tumutulong na ako sa aming lugar at nang lumaki ay lagi akong may gift-giving sa mga kapuspalad tuwing birthday ko. Nabuo sa isip ko ang ituloy ko na ang pagtulong sa aking kapwa kaya naengganyo akong sumabak sa pulitika.
"Gusto kong maging isang dedicated public servant gaya nang ginagawang katapatan ni Mayor Vilma Santos sa paglilingkod sa Lipa bilang alkalde. Idol ko talaga si Ate Vi sa pagiging isang public servant," sey pa ng aktres.
Ang tatay ni Rayver Cruz sa Happy Hearts ay isang bading na ginagampanan ni Rustom Padilla kaya tinanong namin kung ano ang magiging reaksyon ni Alwyn sakaling matuklasang bading pala ang kanyang tatay sa totoong buhay.
"Hindi yun big issue sa akin sakaling maging bading ang tatay ko. Ayos lang yun at maiintindihan ko siya. Tao lang naman siya kaya tatanggapin ko ang kabadingan niya kung sakali," anang aktor.
Katatapos lang nito ng Super Inggo at kasama ngayon sa teleserye na Maria Flordeluna katambal ang ex-girlfriend na si Jill Yulo. Zero ang lovelife ni Alwyn at gustong mag-concentrate muna sa kanyang career.
"I’m only 19 at may tamang panahon para sa pag-ibig," sey pa nito.
Masinop sa pera ang aktor kaya nakapagpundar na mula sa kinikita sa showbiz. Nakabili na ito ng Nissan Sentra at nakabili na rin ng bahay sa Marikina. Hulugan lang ang bahay na handog niya para sa pamilya.
Ngayon ay may inilunsad na itong album na "Hiling".
Maraming nabago sa kanyang buhay ngayong sikat na siyang singer kaya pag nagpupunta ito sa Cebu ay pinagkakaguluhan na siya ng mga kababayan niya.
Kabilang sa mga nakapaloob sa kanyang album under Star Records ay ang "Hiling", "Himala", "Manhid", "Minsan Lang", "Man of Steel", "May Tama Ako", "Kung Maibabalik Ko Lang", "Naglibog", "Ikaw Na Nga", "Maanyag Ka" at "Hilot".