Samantalang matagal nang pangarap ng Top 6 na mag-show sila sa nasabing venue after nilang manalo sa PDA.
"Wala kasi silang offer sa Araneta, puro out of the country, anong magagawa namin?" say ng taga-PDA.
Mas maganda naman daw siguro kung lilibutin muna nila ang buong Pilipinas except Metro Manila at mundo para makilala sila ng husto at last leg na lang ang Big Dome.
Pero si Panky ay iba naman ang katwiran, "Siyempre po, every singer’s dream ay makapag-concert sa Araneta kasi for me po, ito ang gauge para sa isang singer kung sikat na siya kapag nakatuntong siya sa Araneta, pero dapat po, maraming manood, e, kung iilan lang, ‘wag na lang kasi lugi ang producer at mukha ka namang tangang nagpi-perform doon na walang gaanong taong nanonood sa ‘yo."
Tulad ng experience nila sa Japan dahil ang venue pala ng pinag-show-an nila sa Shinjuku Bunka Center, Shinjuku, Tokyo ay sila na ang last performers dahil gigibain na raw ang nasabing venue dahil luma na ang building.
"Suwerte po namin," saad sa amin.
At sobrang pasalamat ng grupo kay Jeff Remigio na siyang in-charge sa TFC Japan dahil sobrang galante at lahat ng pinagdalhan sa kanilang kainan ay pawang first class tulad ng resto kung saan nag-shooting ang Kill Bill at sa Villa Fontainge, Roppongi sila naka-check in.
Samantala, by April 7 ay tutulak naman ang Top 6 sa US para sa 7 shows doon na handog din ng TFC at April 25 na ang balik nila ng bansa.
Binabatikos daw kasi ngayon ang GMA talent tungkol sa kanyang educational attainment dahil hindi raw ito nakatapos ng high school.
Paliwanag ni Ruffa, "We liked her (Margaret), on stage, she’s very regal, nag-away pa nga kami nung Japanese Ambassador kasi pinipilit niya si Margaret, e, Ms. Universe, e, gusto namin ni Charlene (Gonzales) Ms. World, e do’n siya bagay ‘no?
"Alam n’yo, bago naman pumasok ang sinumang candidate for Binibini, maraming dinaanan na ‘yan, so I’m sure qualified si Margaret, why only now na kinukuwestiyon ang pagiging winner niya? Why only now, e, nanalo na nga ‘yung bata?"
"Ganun naman lagi sa beauty contest, maraming kumukuwestiyon kapag nanalo ka na," dagdag pa.
At puring-puri ni Ruffa ang brother niyang si Raymond Gutierrez na host nung gabi ng Binibining Pilipinas, "Ang galing-galing ng kapatid ko, nakakatuwa, imagine, inagawan na niya ako ng work, dapat ako ‘yung host, now, one of the judges na lang ako," saad pa ng host ng Philippine’s Next Top Model.
Tsika sa amin ng insider, "Kinausap na si Boy (Abunda) ng taga-The Buzz at pormal nang inalok na isa si Aiai sa co-host nila ni Cristy (Fermin) pero hindi tinanggap ni Boy dahil hindi yata niya nagustuhan ang negosasyon.
"Una, hindi nga natupad ‘yung request ni Kris na ang friendship niya ang hahalili sa kanya sa The Buzz dahil binali na mismo ng bossing daw ng programa na dapat every week, iba-ibang co-hosts dahil cost-cutting daw.
"Pangalawa, hindi yata ma ganda ang offer na talent fee kay Aiai, parang naging honorarium ang dating, masyadong minaliit ang kakayahan ng friendship ni Tetay.
"Kaya pahulaan na naman next week kung sino ang isa salang after ni Ruffa (Gutierrez) ngayong hapon."
Tiyak na puputaktihin ng reporters si Aiai kung may say ba siya sa pagtanggi ng manager niya sa The Buzz at kung totoong na-offend siyang isa lang siya sa hahalili sa kaibigan niyang si Kris para sa nasabing programa sa press launch ng Cute Ang Ina Mo na naka-schedule this week.
Marami ring isyung kailangang sagutin si Anne kung ano ba talaga ang real score nila ng leading man niyang si Sam Milby sa Maging Sino Ka Man dahil may tsikang kailangang i-deny nila ng binatang Amboy ang tunay nilang relasyon dahil may nag-uutos sa kampo ng aktor.
At kailangan ding magpaliwanag ng aktres tungkol sa isyung panay ang punta niya sa bahay ni Sam para magpalipas ng oras at minsan ay doon na nakikitulog.
Since itinatanggi ni Sam si Anne ay possible kayang manumbalik ang closeness ng dalaga sa ex-boyfriend niyang si Oyo Boy Sotto? – REGGEE BONOAN