Nora, magugulat sa Star nomination

Sino ang may sabing tahimik lamang si Nora Aunor sa kabila ng mga problemang dumating sa kanyang buhay? Tatahi-tahimik si Mama Guy, pero huwag kayong magugulat kung siya na naman ang muling magreyna sa darating na PMPC Star Awards. Malakas ang laban ng superstar sa Best Actress award dahil sa pelikulang Carehome na ginawa pa sa Amerika at idinirek ni Suzette Ranillo na nagpakitang gilas din at nasabi nga naming puwede nang pakawal_an si Suzette bilang direktor. Na kung magkakaroon lamang siya ng pagkakataon dito sa atin ay puwede na siyang mabigyan ng sariling pelikula. Hindi man gaanong nakakaiyak ang pelikula ay aaminin kong napaiyak ako sa pa"nonood. Nakaka-miss si Mama Guy. (Kung paanong nami-miss ko rin halimbawa ang pagkanta ni Sharon Cuneta at ang muling pag-arte ni Gabby Concepcion.

Magaling ang lahat ng suporta ni Mama Guy; sina Gloria Sevilla, Divina Valencia. Balita nami’y hindi naman nagkaroon ng problema si Suzette. Gayundin ang mga nag-finance ng pelikula. Plano nga ng mga namuhunan na bigyang muli ng pelikula si Mama Guy.

Bagamat alam nating mag-ina sina Su zette at Gloria ay hindi naman masasabing hometown decision ito dahil bagay na bagay naman ang role na ginampanan ni Sevilla. Ang isang nagpasikat nang husto ay si Divina Valencia. Sino ang mag-aakalang noong araw ay isang sexy actress si Divina? Kung hindi lamang mahal ang pamasahe ay puwede sanang kumbidahin si Divina para sa Star Awards.

Ang tanong ngayon: dumalo kaya si Mama Guy sa Star Awards for Movies ng PMPC? Aba’y dapat dumalo. Ano kaya’t magkasabay pa sila ni Gabby Concepcions? Ang saya, di ba? — Boy c. De guia

Show comments