Yung pelikula kasi ni Juday, ipinalabas hanggang katapusan ng Enero. May staying power ang pelikula.
Yung pelikula naman ni Vic Sotto, pagkatapos ng festival wala na, kasi novelty film naman ito.
Base sa records, ang malalaking kita ng pelikula ay nangyari lamang noong panahon ng festival. Walang ibang pelikulang kumita ng mas malaki kaysa sa mga ito. Ang sinasabi namang technicality noong nagbibigay ng boxoffice queen, iyon daw pelikula ni Juday ay kumita pero sakop na ng 2007, ang basehan daw nila ay yun lamang mga kumita noong 2006. Ibig sabihin hindi considered ang mga pelikulang kasali sa festival dahil nagsimula ang showing 2006, pero natapos 2007.
Hindi sila kasali sa 2006, at hindi na rin makakasali sa 2007.
Pero kung kami ang tatanungin, walang may karapatang magsabi kung sino talaga ang tunay na boxoffice queen kung di ang mga may-ari ng sinehan. ‘Yang mga producers na gumagawa ng press release ay hindi mo paniniwalaan eh. Sinasabi nila kung kumita sila milyun-milyon, pero sila rin ang nagsasabing may krisis sa industriya kaya hindi na sila nagpo-produce.
Minsan lang may kinilalang boxoffice queen ang mga theater owners noon, si Sharon Cuneta, at ang nakakatawa kahit na ang mga sinehan na mismo ang nagsasabing wala namang tumalo sa record ni Sharon, taun-taon may sinasabi silang boxoffice queen na ang batayan lang naman ay ang kinita ng isang pelikula.
Puwede bang queen yung kumita minsan tapos flop na lahat ang iba?
Noon bago naging box office queen si Vilma Santos, kumita ang limang pelikula niya nang sunud-sunod. Bago naagaw ni Sharon ang title, kumita muna ang pelikula niya ng pitong sunud-sunod, na mas malaki kaysa sa gross ni Vilma. Aba ngayon may isa lang pelikulang kumita boxoffice queen na. Kung kami ang tatanungin, ang dapat na boxoffice queen sa ngayon si Juday talaga.
Mukhang hindi siya apektado sa sinasabi ng ibang taga-showbusiness after all ang pinakamalaking star sa showbusiness, si Sharon Cuneta, ay kakampi niya.
Hindi maikakailang milyong boto rin ang ma_hahakot ni Sharon para sa kanyang asawa. Siguro nga mas marami naman siyang makukuhang boto kaysa sa mawawala dahil lamang sa POSA.
Hindi natin malaman kung gaano ka-epektibo ang mga kampanya pabor o laban sa mga kandidato hanggang hindi natatapos ang eleksiyon.