Solar Entertainment, producer ng reality show na
Philippines Next Top Model, palabas sa
RPN 9 every Tuesday, 8:30-9:30 NG, is negotiating to bring to the Philippines si
Tyra Banks, host ng
America’s Next Top Model at isang top model bagaman at medyo mahihirapan sila sapagkat mataas ang TF ng nasabing personality. Sa mga guesting pa lamang nito sa US ay umaabot na ng milyon ang hinihingi nito, dito pa kaya sa napakalayong bansa ng Pilipinas? Pero, ayon nga kay
Ms. Susan Trinidad, isang exec ng
Solar Entertainment, susubukan nilang madala ito rito.
Samantala, nagiging mas kapana-panabik na ang PNTP na hosted by
Ruffa Gutierrez dahil yung mga nagsimulang participants na nakuha rito ay nagkaro’n na ng malalaking changes. Hindi na sila halos makilala ng mga viewers na sumusubaybay sa programa sa simula pa nito. Pero, ito naman talaga ang layunin ang PNTM, ang makalikha ng isang super model, mula sa isang ordinaryong babae.
Magkakaro’n ng formal launching ang 14 na participants sa The Fort, ngayong gabi.
Napaka-swerte naman ni
Kristofer Cruz, isang baguhang artista at napapanood sa mga palabas ng
GMA7. Pinalad itong mapasama sa main cast ng isang Japanese movie na dito ginagawa sa Pilipinas, ang
Badguy Joker. Isa itong action movie na pinagbibidahan ng ilang sikat na Japanese actors tulad
nina Hitoshi Ozawa, Shu EharaB at Shion Machcida sa direksyon ni Muroga.
Maraming ar4tistang lokal ang kasama sa movie, tulad nina
Archie Adamos, Ricardo Cepeda at stage actor na si
Jan Gomez. Si Kristofer na alaga ni
Jojo Veloso ay nag-training sa mga action stunts at cinematic fighting. Wish lang nito ay dumami pa ang mga daenyuhang filmmakers na pu_punta ng bansa para mabigyan ng pagkaka_taon ang marami pang bagu_han na tulad niya.
veronicasamio@yahoo.com