Noong humarap sa entertainment press si Senator Kiko Pangilinan, talagang hindi napigil ni Kuya Germs na sabihin sa senador kung ano sa palagay niya ang tunay na problema ng industriya. Lahat naman kasi ng kandidatong lumalapit sa mga taga-showbiz, nangangako ng tulong, pero sa totoo lang matagal nang nakaupo ang karamihan, wala pang nagagawa sa entertainment industry.
Ang malaking problema ng entertainment industry ay ang napakataas na tax na isinasampal sa mga pelikula. Kaya namamayani ang mga pirata, malaki ang tax sa legal na video. Walang tax na binabayaran ang mga pirata, kaya ano ang laban ng legal?
Marami na ang nangakong kikilos sila para maibaba ang taxes Ing pelikula at ng industriya sa kabuuan noon, pero may nabawas ba? Tumaas pa nga ang tax ng pelikula nang patawan ng 12% EVAT na sinimulan ni Senador Ralph Recto, na noong una ay nangako ring tutulong dahil sa asawa niyang si Vilma Santos.
Lahat naman ng nakarinig, umayon sa sinabi ni Kuya Germs. Maski nga ang megastar na si Sharon Cuneta, nagsabi rin sa press conference na simula noong umalis ang mga ÇMarcos, wala nang nakuhang tulong mula sa gobyerno ang industriya ng pelikula at entertainment sa ating bansa.
Sasabihin ba noong taong yun kung hindi niya alam na iyon talaga ang plano ng amo niya?
Palagay namin ang malaking kunsiderasyon d’yan ay ang kakayahang manalo sa isang eleksiyon, at hindi naman maikakailang magagawa iyon ni Vilma kaysa sa kanyang bayaw. Tama rin siguro si Vilma, mas madali para sa kanya ang maging locDIC al executive kaysa sa tumakbo sa Kongreso, dahil hindi siya bihasa sa paggawa ng batas.
At least nagkakatulungan sila. Naitatago niya ang hindi magandang love affair niya, naitatago naman ng matinee idol ang kabadingan niya.