Ngayon, kapag naririnig ni Kim Chiu ang awitin ay naaalala niya ang malulungkot na pangyayari sa buhay. Kapag nagti-taping sila at kailangang lumuha siya ay pinatutugtog ang awitin bilang background.
Samantala, may ibubuga rin pala sa pag-awit si Kim kasama rin sa soundtrack album ang "Mine" na inawit ng aktres.
Kapag umuuwi pala sa Cebu si Kim ay iba na ang pakikitungo sa kanya ng mga kababayan kung saan ipinagmamalaki nila si Kim. Pinagkakaguluhan na nila ang aktres at maraming nagpapapirma ng autograph at nagpapakuha pa ng litrato.
May mga popular ding band ang naging bahagi ng official teleserye soundtrack gaya ng True Faith, Frio, Silent Sanctuary, Breaking Silence, Six Part Invention. Kasama rin ang Pinoy Dream Scholars na sina Jay-R Siaboc, Panky Trinidad at Mark Bautista.
Mabibili ang album sa lahat ng record bars nationwide under Star Records at ASAP Music.
Bakit Silent Sanctuary ang pamagat ng banda?
"Ang ibig sabihin ng sanctuary ay place for reflection.
"Ang mga awitin namin ay karaniwang may tema tungkol sa buhay at pag-ibig," anang leader.
Classical ang dating ng kanilang awitin with matching violin bukod pa sa ibang instrumento ng banda. Pag narinig ang kanilang musika ay parang gusto mong mag-reflect ayon pa sa kanilang leader.