Frio, nagpasikat sa "Sana Maulit Muli" album

Hindi lamang ang tambalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson ang mabibiyayaan ng paglalabas ng Star Records ng official teleserye soundtrack kundi lalo na ang mga bagong banda na napili para masama sa "Sana Maulit Muli" album. Tulad ng MFrio ng Alpha Records na umawit ng "Hiling", ang Silent Sanctuary na nag-contribute ng "Maalala Mo Sana", ang Breaking Silence for "Muli" at Six Part Invention sfor "Umaasa Lang Sa Iyo". Maging ang sikat nang Truefaith, ay inaasahang mas sisikat pa dahilan sa kanilang kontribusyon sa album ng "Isang Pangarap Lamang" na talaga namang napakaganda.

Meron ding solo number si Kim Chiu sa album, ang "Mine". Ganundin sina Jay-R Siaboc. Jr. ("Kung Maibabalik Ko Lang" ) at Panky ("Time After Time"). At syempre, si Gary V. ang kumanta ng title track na "Sana Maulit Muli".

Napansin ng lubos ang bandang Frio hindi lamang dahilan sa ang female soloist nito ay kahawig ni ÿYeng Constantino ÿÿkundi dahilan sa ang myembro ay banda na mula pa sa Zamboanga, walo, at tatlo ang soloista.

Pinalakpakan yung kontribusyon nilang "Hiling" na bukod sa maganda ang melodiya ay maganda pa ring naawit ng magka-dweto ng 2 soloista ng grupo. Unang nakilala ang grupo sa kanilang hit na "Alive" mula sa kanilang well-received self-titled debut album.
* * *
Nakatutuwang malaman na hindi lamang ang mga tao ang may housing project. Meron din nito ang mga isda.

Sa isang munting baranggay sa Bagong Silang sa may Calatagan, Batangas, sasamahan tayo ng ABC 5 Ultimate Pinoy hosted by Benjie Paras and Maureen Larrazabal sa isang pakikipagsapalaran kasama ang mga myembro ng CAPOceans (Conserve & Protect Oceans).

Sa pangunguna ni G. Bu Warns, nagtayo ng isang artificial underwater reef building para sa mga isda. Para itong housing project na halos 95% ng coral reefs sa nasabing lugar ay nangangamatay dahilan sa illegal dynamite fishing.

Ang artificial coral reefs na ginawa out of dead corals at semento ay para mapabilis ang rehabilitasyon ng mga isda. Ginawa itong korteng pyramid para mapatibay. Sa ngayon, 14 na pyramids ang nakatayo underwater na patuloy na dinadagsa ng libo libong isda.

Nagsisimula na rin silang gumawa ng underwater version ng Great Walls of China. Mapapanood ngayong 7NG.
* * *
E-mail: veronicasamio@yahoo.com

Show comments