Hiyang sa mamahaling moisturizer
March 5, 2007 | 12:00am
Sa presscon ng Maggi Magic Sarap, ibinuking ni Kris Aquino na ang expensive La Mere ang ginagamit na moisturizer ni Aiai delas Alas. Talo raw siya ng comedienne dahil mahal at imported na brand ito at pinayuhan din siya nitong sa halip na mamroblema’y bumili na lang ng expensive moisturizer para lalo siyang maging flawless.
Nahiyang sabihin ni Aiai kung magkano niya binibili ang La Mere moisturizer, pero kaya ito ang kanyang gamit dahil super dry ang skin niya at dito lang daw siya hiyang. Sulit daw ang bili niya kahit mahal dahil gumaganda ang kutis niya.
Itsinika rin ni Kris na tini-text siya ni Aiai ng kung anu-anong messages. May comedy, seryoso at minsan puro kalokohan na naa-appreciate niya at napapatawa siya.
Sayang at tapos na ang presscon nang malaman naming isa sa text message ni Aiai kay Kris ay "Isoli mo na si James sa nanay niya." Nagbibiro lang ang komedyana, pero maganda pa ring malaman kung ano ang reaction ng TV host-actress nang mabasa ito.
Tinapos naming panoorin ang Bb. Pilipinas 2007 para malaman kung mananalo ang mga Kapuso stars na nag-join sa beauty pageant. Hindi sinuwerte si Ailyn Luna, member ng Starstruck 2 at girlfriend ni Ryan Yllana. Hindi man lang ito nakasama sa top 15 dahil maagang na-eliminate.
Big winner si Margaret Wilson dahil siya ang Bb. Pilipinas-World at napili pang Most Photogenic. Siya rin ang Miss Everbilena at Miss Watson Style Icon at ang biruan nga ng mga kaibigan nitong bading na reporter, nag-swapang ito sa pageant night.
On-hold ang showbiz career ni Margaret habang siya ang Bb. Pilipinas-World dahil paghahandaan ang pagsali sa Miss World this year. Kundi kami nagkakamali’y nasa cast siya ng Asian Treasures, pero ‘di pa namin siya napapanood o baka kami lang ang naka-miss ng episode na lumabas siya.
Nahiyang sabihin ni Aiai kung magkano niya binibili ang La Mere moisturizer, pero kaya ito ang kanyang gamit dahil super dry ang skin niya at dito lang daw siya hiyang. Sulit daw ang bili niya kahit mahal dahil gumaganda ang kutis niya.
Itsinika rin ni Kris na tini-text siya ni Aiai ng kung anu-anong messages. May comedy, seryoso at minsan puro kalokohan na naa-appreciate niya at napapatawa siya.
Sayang at tapos na ang presscon nang malaman naming isa sa text message ni Aiai kay Kris ay "Isoli mo na si James sa nanay niya." Nagbibiro lang ang komedyana, pero maganda pa ring malaman kung ano ang reaction ng TV host-actress nang mabasa ito.
Big winner si Margaret Wilson dahil siya ang Bb. Pilipinas-World at napili pang Most Photogenic. Siya rin ang Miss Everbilena at Miss Watson Style Icon at ang biruan nga ng mga kaibigan nitong bading na reporter, nag-swapang ito sa pageant night.
On-hold ang showbiz career ni Margaret habang siya ang Bb. Pilipinas-World dahil paghahandaan ang pagsali sa Miss World this year. Kundi kami nagkakamali’y nasa cast siya ng Asian Treasures, pero ‘di pa namin siya napapanood o baka kami lang ang naka-miss ng episode na lumabas siya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended