Sinalubong at inasikaso ako nang walang kupas at mabait na ina ni Cocoy. Sinimulan ang birthday party sa pamamagitan ng isang misa. Kumpleto pa rin ang mga loyal fans ni Cocoy sa nasabing pagtitipon.
Hindi pa rin nagbabago si Cocoy kaya lang kita pa rin ang epekto ng aksidente niya kamakailan sa isang stage play. Sa rami ng tao, hindi ko naitanong kung saang play siya aksidenteng naitulak at diretsong nahulog sa stage.
Kung matatandaan, si Cocoy at Guy ay nagsama sa Lollipops and Roses na kinagiliwan ng mga fans noon.
Wala namang problema kay Mark Lapid at sabi nga nito ay baka next year ang kanilang kasal. Yun nga lang ‘maybe next year’ daw ang kanilang kasal. Depende rin kasi kung ang priority pa rin ni Tanya ay ang kanyang career kaya nga ‘baka’ ang sagot nila sa tanong kung kelan ang kanilang wedding.
Hindi maintindihan ng publiko kung bakit nagsasalita pa rin si Kris at lantaran pang pinahihiya si James. Tuloy ang simpatya ng ating mga kababayan ay napunta kay James na hindi nga naman taga-showbiz at hindi rin sanay sa ganitong sitwasyon.
Kahapon sa The Buzz ay nagsabi na si Kris na mamamahinga muna siya.