^

PSN Showbiz

Kris Aquino, hindi na maintindihan ng publiko

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Nakakatuwa na sa paglipas ng panahon ay naalala pa rin ako ng Cocoy-Nora fans. Inimbita nila ako sa kaarawan ni Cocoy Laurel sa bahay ng singer-actor kamakailan.

Sinalubong at inasikaso ako nang walang kupas at mabait na ina ni Cocoy. Sinimulan ang birthday party sa pamamagitan ng isang misa. Kumpleto pa rin ang mga loyal fans ni Cocoy sa nasabing pagtitipon.

Hindi pa rin nagbabago si Cocoy kaya lang kita pa rin ang epekto ng aksidente niya kamakailan sa isang stage play. Sa rami ng tao, hindi ko naitanong kung saang play siya aksidenteng naitulak at diretsong nahulog sa stage.

Kung matatandaan, si Cocoy at Guy ay nagsama sa Lollipops and Roses na kinagiliwan ng mga fans noon.
* * *
Mabuti naman at hindi na inilihim pa ni Tanya Garcia ang kanyang pagbubuntis, lalo pa’t maselan ang kanyang pagdadalang-tao.

Wala namang problema kay Mark Lapid at sabi nga nito ay baka next year ang kanilang kasal. Yun nga lang ‘maybe next year’ daw ang kanilang kasal. Depende rin kasi kung ang priority pa rin ni Tanya ay ang kanyang career kaya nga ‘baka’ ang sagot nila sa tanong kung kelan ang kanilang wedding.
* * *
Sana tapusin na ang isyu kina Kris Aquino - ito ang sinasabi ng maraming tao. Akala ng tao ay totoo ang sinasabi ni Kris na gusto niyang protektahan ang kanyang pamilya. Eh bakit nagagawa pa niyang magpakita sa publiko imbes na manahimik at magpahinga sa delikado niyang kalagayan?

Hindi maintindihan ng publiko kung bakit nagsasalita pa rin si Kris at lantaran pang pinahihiya si James. Tuloy ang simpatya ng ating mga kababayan ay napunta kay James na hindi nga naman taga-showbiz at hindi rin sanay sa ganitong sitwasyon.

Kahapon sa The Buzz ay nagsabi na si Kris na mamamahinga muna siya.

COCOY

COCOY LAUREL

KRIS AQUINO

LOLLIPOPS AND ROSES

MARK LAPID

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with