Naospital si Kris dahil sa mga pangyayari, at matindi nga siguro ang naging dating sa kanya lalo na nang lumabas sa telebisyon ang interview kay Hope kung saan inamin nitong tumagal ng 11 buwan ang kanilang relasyon ni James at inamin ding may nangyari sa kanila.
Siguro nga lang ang mas masakit ay lumalabas na parang nakuha pa ni Hope ang simpatiya ng publiko dahil marami ang nagsasabi ngayon na dapat na lang siyang unawain ni Kris at hindi tarayan, after all siya naman ay nalagay din sa ganoong sitwasyon noong araw. Ang kaibahan nga lang ng kanilang sitwasyon, siya ay anak ng isang dating presidente samantalang si Hope ay worker lamang sa klinika ni Vicki Belo.
Mukha ngang ginipit ng husto si Hope, dahil nawalan siya ng trabaho bilang bahagi siguro ng damage control ng clinic kung saan siya nagta-trabaho. Sinasabi man nila na nag-AWOL si Hope at hindi pinaalis, palagay namin matindi ang pressure sa kanya kaya nangyari ang bagay na yon.
Matindi rin naman ang naging desisyon ni Hope, nang ilantad niya hindi lamang ang kanyang pangalan kundi pati na rin ang kanyang mukha. Kung iisipin, malaking kahihiyan iyon pero katunayan yon na handa siyang mag-risk kahit na ng kanyang karangalan para mailabas lamang ang katotohanan na inihahayag niya.
Hindi rin siya masisisi ni Kris sa ginawa niya. Naalala pa ba ninyo noong humarap din sa camera si Kris, umiiyak at inamin ang relasyon nila ni Joey Marquez, at sinabi pa niyang nahawa siya ng STD sa dati niyang boyfriend? Mas matindi iyon.
Kaya tama ang sinabi ni Presidente Cory, dapat magdasal na lang sila.
Doon din mismo sa site gagawin ang mga Holy Week activities nila. Magkakaroon din doon ng stations of the cross na kagayang-kagaya ng makikita ninyo sa San Giovanni Rotondo sa Italya, na ipinagawa mismo ni Padre Pio noong nabubuhay pa siya.
Magkakaroon din sila ng mga healing mass para sa mga may sakit, kasabay din ng pagtingin ng mga doktor sa mga may sakit at ang panggagamot sa mga iyon sa kanilang itinatag na natural healing center, kung saan itinuturo nila ang gamit ng herbal medicine. Mayroon din silang detoxification machine at iba pang gamit na makatutulong ng malaki sa mga may sakit.