Assunta, balik-pelikula
March 2, 2007 | 12:00am
Marami ang nagtataka kung bakit sa pagbabalik-pelikula ni Assunta de Rossi ay pinili niyang gawin ang isang indie film tulad ng Siquijor na pinapipigilang ipalabas ni Siquijor Governor Orlando B. Fua sa hukuman at sa MTRCB. Sumulat na sa kanya ang executive producer ng pelikula at direktor na si Brillante Mendoza (Masahista, Kaleldo at Manoro) nung Oktubre ng nakaraang taon pero hanggang ngayon ay di pa ito sumasagot.
Willing naman gawin ng producer anuman ang gusto niya, kahit mangangahulugan ito ng pagpapalit ng titulo ng pelikula (Siquijor, Mystic Island), gumawa ng simpleng paglilinaw o disclaimer at kahit magpalit sila ng trailer para lamang hindi mapigil ang pagpapalabas ng pelikula sa Marso 14 pero, patuloy pa rin ang pananahimik ng gobernador.
Samantala, patuloy ang paghihintay ng mga theater bookers at cinema owners sa ilang ulit na postponement ng playdate ng pelikula.
Ang Siquijor ay isang mala-Blair Witch Project na kung saan isang grupo ng taga-telebisyon ang pumunta ng Siquijor para gumawa ng isang nakakatakot na palabas. Dito nila naisipang maglokasyon dahil balitang pinamumugaran daw ito ng mga "mambabarang".
Bahagi ng crew sina Angel Aquino bilang Doreen, ang exec produ; Ian Veneracion, (Xavier), direktor; Assunta de Rossi (Alexandra), host; Yul Servo (Carlo), cameraman; Coco Martin (Miguel) PA; Sid Lucero (Jake), writer-researcher.
Kasama pa rin sa cast sina Bing Pimentel bilang network exec; Bart Guingona, studio manager; Rodel Velayo, sound/film editor; Criselda Volks, asawa ni Carlo, ang cameraman.
Ipinagmamalaki ni Assunta na nakuha niya ang proyekto na aniya ay may magandang istorya at cast at dinirek ng isang baguhan pero magaling na direktor, si Phillip Espina, taga-Sydney, Australia na umuwi dito para dumalaw sa pamilya pero nagpasyang manatili rito nang makakita ng maraming oportunidad. Nakapagdirek na siya ng mga komersyal at short films at bago niya ginawa ang Siquijor ay gumawa muna siya ng extensive research tungkol sa lugar at sa istorya na nakabalot dito.
"After five sexy films, nagpasya akong tama na, iba naman ang gusto kong gawin. Tutal, may napatunayan na ako bilang isang sexy star, nakakuha na ako ng award, when this offer came, tinanggap ko. As an artist, gusto kong patunayan na kaya kong gampanan ang anumang klase ng role," sabi ni Assunta.
Merong remedyo ang negosyanteng si Jonas Salute sa mga may problema sa kanilang prostate. Merong isang Malaysian Ginseng, ang Gin Ali na nagbibigay proteksyon sa prostate, sa mga may erectile dysfunction, rheumatism, nagpi-prevent ng blood clot, heart attack at nakakapagpaganda ng pagtulog. Rekomendado rin ito ni Doc., Edwin Bien ng What’s Up, Doc sa UNTV 37. Kung interesado kayo, tawagan si Jonas sa 09189405466.
[email protected]
Willing naman gawin ng producer anuman ang gusto niya, kahit mangangahulugan ito ng pagpapalit ng titulo ng pelikula (Siquijor, Mystic Island), gumawa ng simpleng paglilinaw o disclaimer at kahit magpalit sila ng trailer para lamang hindi mapigil ang pagpapalabas ng pelikula sa Marso 14 pero, patuloy pa rin ang pananahimik ng gobernador.
Samantala, patuloy ang paghihintay ng mga theater bookers at cinema owners sa ilang ulit na postponement ng playdate ng pelikula.
Ang Siquijor ay isang mala-Blair Witch Project na kung saan isang grupo ng taga-telebisyon ang pumunta ng Siquijor para gumawa ng isang nakakatakot na palabas. Dito nila naisipang maglokasyon dahil balitang pinamumugaran daw ito ng mga "mambabarang".
Bahagi ng crew sina Angel Aquino bilang Doreen, ang exec produ; Ian Veneracion, (Xavier), direktor; Assunta de Rossi (Alexandra), host; Yul Servo (Carlo), cameraman; Coco Martin (Miguel) PA; Sid Lucero (Jake), writer-researcher.
Kasama pa rin sa cast sina Bing Pimentel bilang network exec; Bart Guingona, studio manager; Rodel Velayo, sound/film editor; Criselda Volks, asawa ni Carlo, ang cameraman.
Ipinagmamalaki ni Assunta na nakuha niya ang proyekto na aniya ay may magandang istorya at cast at dinirek ng isang baguhan pero magaling na direktor, si Phillip Espina, taga-Sydney, Australia na umuwi dito para dumalaw sa pamilya pero nagpasyang manatili rito nang makakita ng maraming oportunidad. Nakapagdirek na siya ng mga komersyal at short films at bago niya ginawa ang Siquijor ay gumawa muna siya ng extensive research tungkol sa lugar at sa istorya na nakabalot dito.
"After five sexy films, nagpasya akong tama na, iba naman ang gusto kong gawin. Tutal, may napatunayan na ako bilang isang sexy star, nakakuha na ako ng award, when this offer came, tinanggap ko. As an artist, gusto kong patunayan na kaya kong gampanan ang anumang klase ng role," sabi ni Assunta.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am