Sa loob pala ng mahabang panahon, nakagawa siya ng kulang-kulang na 50 movies, small and big roles, kung pagsasama-samahin. First movie niya ay ang Curacha, super bold ang role niya rito. Talop ang katawan at ipinakita talaga ang lahat.
Kung sabagay, bata pa siya noon, kaya masasabing iniilusyon pa siya noon.
Ilan naman sa mga pelikulang ‘di niya makakalimutan ay ang Luksong Tinik dahil leading lady niya si Lorna Tolentino, ang Trip ng Star Cinema, Virgin People 3, Mama San ng FLT dahil sa makapanindig balahibong love scenes nila ni Elizabeth Oropesa, umuusok ang kanilang labi at init ng katawan sa bawat eksena, kiskisan with Aya Medel at Halina Perez (sln).
Talagang nagbabaga noon ang career ni Allen bilang bold actor. Pero ang ipinagmamalaki ni Allen, nanatili namang maayos ang takbo ng career niya dahil hindi lang naman paghuhubad ang kaya niyang gawin. May ibubuga naman talaga siya sa acting.
At hindi rin naman siya nagkaroon ng frontal nudity. Isa raw yun sa ipinaglaban niya sa direktor ng bawat pelikulang ginagawa niya noon. Palibhasa’y asset si Allen ng bold movies, pinayagan naman siya. "Lalo na po ngayon, ayoko na muna ng bold, kasi lumalaki na yung dalawa kong anak, pareho pang girls, sina Kristel and Llena. Saka, nahihiya ako sa aking wife, ayokong maging dahilan ito ng aming di pagkakaunawaan."
Bukod sa mga dahilang nabanggit, bilang respeto na rin sa kanyang mga kliyente ng kanyang business na buy and sell ng old and new cars na may showroom sa Plaridel and Sta. Maria, Bulacan.
So far, kung walang pinagkakaabalahang TV and movie project, matatagpuan si Allen sa alinmang showrooms ng kanyang car business. Wala raw munang nightlife, tutal, hindi na raw siya bata, kung baga, pinanggalingan na niya ito.  LETTY CELI