Nabanggit ni Louise, na kaklase niya sa Sta. Rosa, Laguna si Mark Herras, ganundin si Nadine Samonte. Walang intensyon si Louise na banggitin ang name ni Mark, kaya lang natanong namin siya, kung sinu-sino bang mga artista ang taga-Sta. Rosa, Laguna. Doon niya na-mention ang name ni Mark.
"Hindi nga po namin akalain na sisikat siya. Noon pa, magaling na talaga siyang sumayaw," kwento ni Louise.
Pilipina ang mommy at German naman ang ama. "Nagkikita lang kami sa school, never kaming nagkakabatian man lang."
Napansin ni Joy Cancio, producer ng Focus E. Inc. na bukod sa may tipo, marunong din umarte si Louise. Galing na siya ng ABS-CBN, pero hindi napapansin dahil napakarami nilang mestiso’t mestisa roon. Ngayon, very promising siya sa Focus, dahil nagpakita ng galing sa ika-13 season ng Daisy Siete.
Pangarap ni Louise na sumikat din at magkapangalan sa grupong Sexbomb. Gusto niyang ma-recognize kahit 22 silang lahat. – VIR GONZALES