Inamin din ng aktor na naloko siya ng P2 million nang sumosyo sa isang lending business. Nagsimula siyang maglabas ng P100,000 at 50% ang monthly interest nito na ibinibigay sa kanya sa loob ng dalawang taon. Nagdagdag siya ng capital dahil sa laki ng tubo kung saan inipon niya ang mga ito. Pero nang kukunin na niya ang pera ay biglang naglaho ang taong pinagkatiwalaan niya.
May bagong negosyo si James ang California Nails (Nails Spa) na matatagpuan sa Gateway kung saan may kasosyo siya.
Going strong pa rin ang kanilang relasyon ng non-showbiz girlfriend. At gusto niyang mag-concentrate uli sa kanyang showbiz career.
"Natutuwa po ako, dahil kasama ako sa bagong show ng RPN 9 (Solar Entertainment) na KEMIS: Ke Misis Umaasa kung saan ginagampanan ko ang papel ni Jordan na anak ng isang mayamang pulitiko at masugid na manliligaw ni Honeydew na ginampanan naman ni Pauleen Luna.
Ang butihing congressman pala ang principal sponsor at author ng bill na Film Development Council Law kung saan bukod sa tax incentives ay nagbibigay pa rin ng insentibo sa quality films. Tutulong din ito para ma-exempt ang local movie industry sa taxes sa pagpapasa ng batas sa tulong ng kapwa mambabatas.
Sinabi pa rin ni Chiz na mahirap palang maging artista dahil naka-24 takes siya sa commercial shoot ng TV ad na dinirek ni Carlitos Siguion Reyna.
"Buong araw ko itong ginawa pero 30 seconds lang ipinakita sa TV at dalawang salita lang pala ang sasabihin na ‘Ako rin’. Habang nakatingin at nakangiti sa tatlong bata na kasama ko sa TV ad," aniya.
Guests sina Jaya, Jolo Revilla, Arnel Ignacio, JC de Vera at Karylle. Tiyak na magiging maganda ang inyong umaga sa Sis.