Aga, Angelica, sabak sa kissing scene at love scene sa unang pagtatambal
March 1, 2007 | 12:00am
Mismong sa direktor ng pelikula ng Star Cinema na I Don’t Want You To Go na si Maryo J. delos Reyes ko nakuha ang balita na hindi lamang matitinding kissing scene ang sasabakan ng unang magtatambal na sina Aga Muhlach at Angelica Panganiban kundi mga maiinit ding love scenes.
Dalawang linggo nang kinukunan ang nasabing movie na ang titulo ay tentative lamang bagaman at mabilis ang kanilang trabaho, sinabi ng direktor na wala pa siyang alam kung kailan ito ipalalabas.
First time din ito ni Aga na makakasama sa isang pelikula si Maricel Soriano.
Isang all-star cast ang movie na magtatampok din kina Dante Rivero, John Arcilla, TJ Trinidad, Bobby Andrews, Chari Pineda at Baron Geisler.
Samantala, tumatayong Chairman of the Board ng mag-iisang taon nang Bagets Foundation si Direk Maryo J. Pangulo si QC Vice Mayor Herbert Bautista at mga myembro ay ang dating magkakasama sa Bagets 1 & 2 movies na naging malalaking pangalan din sa larangan ng local movies at maging sa politics (Eula Valdez, Jobelle Salvador, Cheska Iñigo, Yayo Aguila, Francis Magalona, Ramon at Christopher. Member pa rin si Aga Muhlach, pero, di raw makadalas maka-attend ng meeting dahil sa kaabalahan nito. Honorary members naman sina Jake Tordesillas, Vic del Rosario, Douglas Quijano at iba pa na naging bahagi ng Bagets movies).
Sa pakikipagtulungan sa Polytechnic University of the Phils. (PUP), pumili ng 10 pinakamagagaling na mag-aaral ng Mass Com sa 1st and 2nd years at ginawang scholar ng foundation. Bibigyan sila ng pambayad ng tuition fees, books, etc.
Bukod sa edukasyon, may dalawa pang ibang programa ang Bagets Foundation, ang career placement at mentoring.
Para makalikom ng pondo nagsasagawa sila ng fundraising programs. Una na ang concert series ni Raymond Lauchengco na magsisimula sa Teatrino Greenhills sa Marso 15. Makakabili ng tiket sa Teatrino (721-0635/721-6726 at Ticketworld 8919999.
Magkakaro’n ng solo concert si Marri Nallos, ang Crystal Voice of Asia sa The Atrium ng Limketkai Mall sa Cagayan de Oro City, Biyernes, Marso 2, 8;30 NG. Makakasama niya sina Nonoy Zuñiga at Juan Rodrigo. Ang kikitain sa palabas ay gagamitin sa pagpapagawa ng Sacred Heart Church sa RER Drive, Kauswagan.
[email protected]
Dalawang linggo nang kinukunan ang nasabing movie na ang titulo ay tentative lamang bagaman at mabilis ang kanilang trabaho, sinabi ng direktor na wala pa siyang alam kung kailan ito ipalalabas.
First time din ito ni Aga na makakasama sa isang pelikula si Maricel Soriano.
Isang all-star cast ang movie na magtatampok din kina Dante Rivero, John Arcilla, TJ Trinidad, Bobby Andrews, Chari Pineda at Baron Geisler.
Sa pakikipagtulungan sa Polytechnic University of the Phils. (PUP), pumili ng 10 pinakamagagaling na mag-aaral ng Mass Com sa 1st and 2nd years at ginawang scholar ng foundation. Bibigyan sila ng pambayad ng tuition fees, books, etc.
Bukod sa edukasyon, may dalawa pang ibang programa ang Bagets Foundation, ang career placement at mentoring.
Para makalikom ng pondo nagsasagawa sila ng fundraising programs. Una na ang concert series ni Raymond Lauchengco na magsisimula sa Teatrino Greenhills sa Marso 15. Makakabili ng tiket sa Teatrino (721-0635/721-6726 at Ticketworld 8919999.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended