Cast ng ‘Jumong’, bakasyon grande sa ‘Pinas!

Alam naming viewer ng Jumong ang editor naming si Vero Samio, kaya matutuwa ito sa balitang darating sa bansa ang buong cast ng K-novela para magbakasyon. Kaya lang, sa Cebu pupunta ang 150 cast and crew sa pangunguna ng mga bidang sina Song Il Gook (Jumong), Han Hye Jin (So Seo-no) at Kim Seung-soo (Dae-So).

Kundi March 7 ay Mar. 8 ang dating ng grupo at mag-i-stay sila hanggang Mar. 11. Bakasyon to-the-max ito’t matatapos sa Mar. 6 ang airing sa Korea ng Jumong. Nagkakagulo na ang mga taga-Cebu na sumusubaybay nito’t inaalam na kung saang hotel sila naka-billet at saang tourist destinations ang pupuntahan.

Alam na kaya ng GMA-7 na darating ang mga artista ng Jumong? Humihirit ang fans na sana’y mainterbyu nila kahit ang main cast lang at makita silang hindi naka-costume.
* * *
Pinanood namin ang final showcase ng GMA Artist Center Exclusive Acting Workshop entitled Bata…Bata…Sa Iyo, Ano ang Ginagawa. Binuo ito ng excerpts ng iba’t ibang theater productions at tinampukan ng 15 talents ng GMA-7.

Na-achieve ang objective ng almost five months workshop under Nanding Josef, na matulungan ang GMA talents to improve their acting skills, help them increase their self-awareness, understand and accept their strength and weaknesses. Except for minor glitches, kinakitaan namin ng improvement sa acting at delivery ng lines ang young talents.

Featured sa Gamu-gamo sa East Avenue sina Dion Ignacio at Gian Carlo at sa Juan Tamban sina Valerie Concepcion at CJ Muere. Napanood sa Gabun sina Felix at Dominic Roco, Ryza Cenon sa Agnes of God at sina Mike Tan at Chuck Allie sa Still Life. Si Marky Cielo sa Macli-Ing Dulag at sina LJ Reyes at Jackie Rice sa Babaeng Itawis.

Biglang nawala si LJ after her performance, kaya ‘di namin na-congratulate dahil isa siya sa maganda ang acting. Sa voice projection lang siya nagka-problema’t may portion na humihina ang kanyang boses Pat ‘di maintindihan ang sinasabi.

Agad umalis si LJ dahil first taping niya sa Lupin at sa Loyola Grand Villas pa ang location. Siya si Elaine, friend ni Rhian Ramos at masaya ito’t may regular show na uli siya at dahil sa dagdag na trabaho, hindi niya masyadong maiisip si Alfred Vargas. "Holding on" ang sagot nito sa pangungumusta namin sa kanila ni Alfred at ‘di na nag-elaborate. – NITZ MIRALLES

Show comments