Hope kakasuhan!

"Napanood ko ang interview niya (referring to Hope Centeno) at iniisip ko kung kakasuhan ko siya," sabi ni James Yap sa ‘bombang’ pinasabog ni Hope kamakailan na dahilan ng malaking problema nila ngayon ni Kris Aquino na hanggang ngayon ay hindi pa siya napapatawad.

For the first time kasi ay nagsalita na siya (Kris) tungkol sa issue. "Forgiveness is a process," deklara ni Kris nang tanungin ni Ms. Korina Sanchez sa Rated K kagabi kung napatawad na niya ang asawang si James matapos itong umamin na nagkasala sa asawang actress/TV host.

First time ni Kris na nagsalita tungkol sa pangangaliwa ni James at ang ginawa raw na ito ni James ang masasabing isa sa pinakamalungkot na bahagi ng kanyang buhay.

Sinagot na rin ni Kris ang mga sinabi ni Hope na nanghingi ng sorry sa kanya sa interview sa Startalk at kahapon sa S Files.

"How dare you say sorry to me now… pagkatapos mong ilagay sa panganib ang buhay ng anak namin.

"Naglagay sa panganib ng isang bata na walang kalaban-laban.

"May lakas ka pa ng loob na lumabas sa TV. Unang-una, nagtangka kang mang-agaw ng asawa. Pangalawa, kinalimutan mo na I’m seven months pregnant. Na kung ako lang ito, alam mo kung patas ang laban sana kaya kong lumaban, kaya kong humarap kung wala akong dinadala, I am seven months pregnant, there’s an innocent life inside my womb," sabi ni Kris kahapon.

"Ang sinabi ko, tanging kami lang dalawa (James & Kris) ang makaka-solve ng problemang ito dahil kaming dalawa lang ang nasa marriage na ito at hindi kita chinallenge. Never kitang pinangalanan. Ikaw ang nag-volunteer ng sarili mo, nagsalita ka. Nag-succeed ka, nasaktan talaga ako," patuloy ni Kris kahapon na first time magsalita pagkatapos magkaroon ng forced labor noong nakaraang Huwebes matapos malamang magpapa-interview si Hope sa TV.

Sinabi naman ni James, na kailangan niyang linisin ang pangalan ng kanyang asawa at nararamdaman niya ang sakit na dinadala ni Kris. "Nakita ko sa asawa ko na nahihirapan siya. May baby sa loob ng tiyan niya. Kailangan kong linisin ang pangalan ng asawa ko."

Bago ang nasabing interview nina Kris and James kay Ms. Korina Sanchez na ipinalabas ang buong interview sa Rated K kagabi, napanood ng buo ang interview ni Hope sa S-Files.

"Sana maunawaan niya ako, mapatawad niya ako. Pareho lang naman kaming babae na nagmahal ng maling lalaki," naunang sinabi ni Hope.

Nagbigay din ng insinuation si Hope na ginawa rin naman ni Kris ang ginawa niya. Sinabi niyang example ang naging relasyon ni Kris kay Joey Marquez noon. "Nangyari rin naman ito kay Kris. Sana mapatawad din ninyo ako."

Sinabi pa niyang madalas sa kanyang mangumpisal si James ng mga problema nila ni Kris.

"Hindi 100% na maligaya siya sa asawa niya. Tumatawag sinasabi niya yung mga problema niya. Naawa ako sa kanya. Konting issue lang daw, nag-aaway sila. Saka ang alam ko pag masaya ka sa asawa mo, hindi ka maghahanap ng iba. Kasi ako naman nakikinig lang ako sa kanya. Kung ano ang kinukwento niya sa akin, nakikinig lang ako."

At nang malaman niyang kasal na sina James at Kris:

"Inaamin ko po na nasaktan ako dahil mahal ko na siya noon. Pero wala akong sinabi noon kay James, hindi ko siya kinausap."

Katulad nang naunang sinabi ni Hope, kung sakaling buntis siya dahil hindi pa siya sure, "palalakihin ko siyang mag-isa. Hindi ko siya ipapalaglag." – SALVE V. ASIS

Show comments