Tinanong namin si Sunshine kung paano niya nailalarawan ang karakter ng isang ina gayung wala pa naman siyang anak sa tunay na buhay. Iba’t iba ang emosyon na ipinapakikita nito dahil hindi patas ang pagtingin sa dalawa niyang anak na sina Kristal at Charming.
"Nakatutok kasi sa akin sina Direk Khryss Adalia at Gil Tejada. They tell exactly what they want. Ako naman, inilalagay ko ang sarili ko sa papel na ginagampanan ko. Gamay ko na si Direk Gil dahil nakatrabaho ko na siya sa Anna Karenina. Natutuwa nga ako dahil kahit di gaanong malaki ang project kumpara sa ibang soap opera na may special effect ay consistent ang rating namin sa group effort. This is my biggest role," anang aktres.
Dahil sa pagiging number 1 nito sa rating ay na-extend ang teleserye at magtatapos ito after Holy Week.
Ano ba ang dream project ni Sunshine?
"Gusto kong gampanan ang karakter ni Sally Field na nasasapian ng iba’t ibang spirit. I got bored kapag paulit-ulit ang role na ginagampanan ko. Mas gusto ko yung minsan bida at minsan naman ay kontrabida," say pa ng aktres.
"Pwede naman akong makatulong sa bayan sa ibang paraan. Isa pa, kapag ginawa ko ito ay mawawalan na ng driver si Donna," biro ni direk. Tatanggap ng presidential merit si Carlo sa dami ng naiambag nito bilang komiks writer ngayong Marso na idaraos sa Malacañang.
Sinabi nito na kahit wala pa silang relasyon ni Shaina ay nagseselos siya kapag may kausap itong iba. "First time ko siyang dinalaw sa kanilang bahay noong birthday niya (Nov. 6) pero wala siya sa bahay. Lumabas sila ng kanyang pamilya para mag-dinner," say nito.
Sa kabilang banda, masaya si Rayver dahil ito ang first major film niya kung saan inilunsad ang kanilang pagiging magka-loveteam ni Shaina.
Inamin din ni Rayver na nasigawan na siya ni Direk Joel. Hindi niya nagawa sa isang eksena ang pagbabasketball dahil sa hit marker. "Pero madaling lumamig ang kanyang ulo at inaalok kami sa pagkain. Thoughtful si direk," pagtatapos ng young actor.
Nagsimula si Rayver sa showbis noong siyam na taong gulang siya kung saan naging mainstay ng BestFrends sa Channel 7.