^

PSN Showbiz

Keanna, gustong gawing aktres!

-
"Sa wakas, Regal Baby na ako, I’ve been a fan of Regal movies, kaya mom and dad, I am proud to say that I am now a part of Regal, yes…" ito ang masayang sabi ni Ryan Agoncillo sa ginanap na contract signing nila ni Judy Ann Santos na ginanap sa Imperial Suite kahapon, Sabado para sa isang pelikulang gagawin nila middle of this year 2007.

Masayang-masaya ang actor dahil dalawang movie ang kontrata niya kay Mother Lily Monteverde at isa na nga ang pagsasamahan nila ni Maja Salvador na isang dramedy din at ang kasama nga ay si Budaday.

At klinaro ni Ryan na hindi pa ngayong taon ang kasal nila ni Juday, pero buwan ng Mayo ang target niya para isahang handaan na lang kapag nag-celebrate sila ng papa at mama niya plus kuya.

"May 6 po kasi ikina sal ang parents ko, May 5 naman ang kuya ko, so parang maganda rin kung May na rin kami, at nagkataon namang May din ang birthday ni Juday," esplika ng actor.

Klinaro naman din ni Ryan na hindi sequel ng Kasal, Kasali, Kasalo ang pelikulang gagawin nila ni Judy Ann sa Regal dahil pag-aari ng Star Cinema ang naunang pelikula.

"Definitely, it would be totally a different movie sa KKK, pero for sure, dramedy din and about relationship pa rin," say ni Ryan.
* * *
Matinding pinabulaa nan ni Keanna Reeves ang pahayag ng ex-landlady niyang si Sally Bondoc na may-ari ng Pinoy Pamilya Negosyo.Com na hindi totoong iniwan niyang nakabukas ang gripo ng banyo kaya bumaha ang buong unit nito sa ika-apat na palapag ng building na inuupahan niya.

Ang version ni Keanna, " "Napakasinop kong tao at maingat ako sa mga gamit ko, tapos iiwanan kong bukas ang gripo? Ano ako, hilo?"

"Hindi siya nagbibigay ng resibo kapag nagbabayad ako, ano ang ipi-present ko sa BIR na binayaran ko? Pumipirma lang ako sa papel na na-receive nila ‘yung bayad ko?" dagdag pa ni Keanna.

Pero ang sangga naman ni Ms. Bondoc, "Pwede ba namang hindi ako mag-isyu ng resibo, e, di nahuli ako? Ang resibo ay nasa pangalan ng dating may-ari ng building na si Reynaldo Alcayde, o, natatandaan na niya? Kakabili ko palang ng building kaya hindi pa nata-transfer ang titulo sa name ko kasi hindi pa tapos ang bayarin sa bangko."

Anyway, iniba na ni Keanna ang topic at ayaw na rin niyang pag-usapan pa ang dating kasera.

Ipinagmamalaking ikuwento ni Keanna na alaga siya ni direk FM Reyes ng Maging Sino Ka Man sa lahat ng eksena niya dahil ang pangako raw sa kanya ng nasabing director, "Isa ka nang ganap na aktres after ng MSKM".

"Kaya pasalamat talaga ako sa director ko kasi concerned siya sa akin. Gusto ko lang naman kasing magpatawa, e, gusto niyang umarte talaga ako kasi may ibubuga raw ako. Nakakatuwa kasi after ng takes, binabati naman ako ng mga kasama ko," nakangiting kuwento ng Backroom talent. – Reggee Bonoan

AKO

IMPERIAL SUITE

JUDAY

KEANNA

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with