Kris, okay na, nakalabas na ng ospital

Mahirap ang pinagdadaanan ngayon ni Kris dahil ipinagbubuntis niya ang unang supling nila ni James.

At kung kelan naman excited ang lahat sa paglabas ni Baby James, pumutok ang balita ng pangangaliwa ni James at ang thi_rd party ay isang nagngangalang Hope, dating empleyado ng Belo.

Nakalabas na si Kris matapos itong isugod sa ospital nang magkaro’n ito ng forced labor. Nagpapahinga na lamang ito ng bahay.

Marami pang pwedeng mangyari sa mga susunod na araw lalo pa’t lalantad si Hope on national TV. Marami ang nag-aalala na baka lalong makasama ito kay Kris. Lalo’t nakabitin pa ang sagot sa kung buntis nga ito o hindi. Maugong pa rin ang balitang bukod kay Hope ay may isa pa rin daw gf ang matulis na cager.– Aster Amoyo

Show comments