Nadismaya si Ervin. Wala siyang kaalam-alam na may mga pinagkatiwalaan siyang mga tao, pero sila or ilan sa kanila ang naging mitsa ng kaguluhan at pagsasara ng business. Almost four years nang nasa korte ang kaso at nag-iisang nakikipaglaban si Ervin na lahat ng mga properties ay naka-hold para magkaroon ng chance na mabalik at mabawi ang dapat mabawing property niya. Malaki rin ang pasasalamat niya kay Tatay Cris na kasama niya sa laban.
Ang kahilingan ni Ervin na maisailalim ng Corporate Rehabilitation ng Korte, RTC Branch 256, Muntinlupa City ay pinagbigyan pagkaraan ng mga paglilitis. May bagong pangalan ang grupo, ito ay ang Grupo Mateo-Pilipinas Investors Association, Inc. Ito ang kikilalaning asosasyon ng hukuman. Sa naging desisyon ng Mataas na Hukuman, laking tuwa ni Ervin dahil hindi siya pinabayaan ng Diyos na di malinis ang kanyang pangalan. Anumang oras ay magbabalik limelight siya. Pati tourism and land developing ay idadagdag niya sa dating negosyo. Mga magagaling na lawyers, mga piling businessman ang makakasama ni Ervin para maBpangalagaan at mabawi niya ang mga ari-ariang pinagsamantalahan ng ilang taong pinagkatiwalaan niya.
Sa kabila ng lahat ng mga pangyayari, walang paghihiganti sa puso ng mabait na negosyante. Dati raw ay kung anu-anong pagmumura ang ginawa niya, galit na galit siya, pero naging malapit siya sa Diyos, at ito ang nagbigay sa kanya ng liwanag ng kaisipan. Maging mapagkumbaba at mapagpatawad siya. – LETTY G. CELI