Gabby, palihim na dumating ng bansa?
February 24, 2007 | 12:00am
Dahil sa lumabas na tsismis na palihim daw na dumating sa bansa si Gabby Concepcion, isang bagay ang maliwanag ngayon. Napakarami pa palang mga tao na naghihintay sa pagbabalik ni Gabby. Maliwanag ding hanggang ngayon marami pa ang interesado sa kanya.
Maaari pa rin siyang bumalik sa showbusiness.
Kung hindi interesado ang mga tao kay Gabby, hindi na pag-uusapan ng ganyan ang tsismis na kanyang pagbabalik. Aba noong kumalat na du´mating siya sa bansa, nagkagulo ang media at pilit na kinukumpirma ng bawa’t isa kung totoo nga ang mga tsismis na kumakalat. Kung hindi sikat si Gabby, walang makikialam kung magabalik man siya sa Pilipinas o hindi.
Noong una naming marinig ang tsismis na iyan, hindi na kami naniwala. Kasi ang palagay namin kung totoo ngang magbabalik si Gabby sa bansa, hindi ganyan ang mga kuwento, tiyak na mas maingay. Hindi naman natin maikakaPila kung gaano kasikat si Gabby noong araw na mag-desisyon siyang iwan muna ang kanyang career matapos na masangkot sa kung anu-anong controversy noon.
Noon naging mailap din sa mga interviews si Gabby, hindi dahil sa mga issues kundi ayaw niyang sagutin ang mga tanong tungkol sa kanyang pamilya at sa kanyang lovelife. Medyo magulo ang lovelife ng aktor noong mga panahong iyon.
Kung magbabalik nga si Gabby sa bansa, mas makikita natin kung papaano siya tatanggapin ng publiko, pero marami nga ang naniniwala na ang kanyang pagbabalik ay magiging kontrobersiyal din, at maaang bri nga raw makabalik pa si Gabby sa kanyang iniwang career. Iyon ay kung babalik pa nga siya sa kabila ng maganda niyang trababaho sa US at sa kanyang pamilya ngayon doon.
Hindi narinig sa delayed telecast ng Walang Tulugan sa telebisyon, pero doon sa loob ng studio, nagsigawan ang auaadience nang hindi makasama sa final 10 ng Mr. Philippines World ang dalawang contestants na siyang bet ng karamihan sa mga naroroon. Isinisigaw ng mga nasa audience gallery ang mga numero nina Lago Raterta at Peiman Borja Gomari, na parehong tanggal agad nang piliin ang final 10.
May mga nagtatanong pa, sinasabi raw sa criteria na ang 50% ng boto ay ba Bntay sa mukha ng mga candidates, bakit nga raw natalo agad ang mukhang matinee idol na si Peiman Gomari at ang nakalusot ay iyong ilang mukhang salagubang.
Pero ganoon talaga ang contest, kung ano man ang gusto ng jurors, iyon ang masusunod. Ganyan talaga ang mga pakontes mayroong mga "lutong Macao".
Totoo ba ang tsismis na boyfriend daw ngayon ng isang young female star ang isang pulis? Wala namang masama kung pulis man ang boyfriend niya, basta nagmamahalan sila. Ang masama nga lang ay may asawa na raw at mga anak ang nasabing pulis. Iyon ang hindi maganda dahil babagsak na mistress lamang ang young female star. Bata pa naman siya at maganda, dapat humanap na lang siya ng iba.
Maaari pa rin siyang bumalik sa showbusiness.
Kung hindi interesado ang mga tao kay Gabby, hindi na pag-uusapan ng ganyan ang tsismis na kanyang pagbabalik. Aba noong kumalat na du´mating siya sa bansa, nagkagulo ang media at pilit na kinukumpirma ng bawa’t isa kung totoo nga ang mga tsismis na kumakalat. Kung hindi sikat si Gabby, walang makikialam kung magabalik man siya sa Pilipinas o hindi.
Noong una naming marinig ang tsismis na iyan, hindi na kami naniwala. Kasi ang palagay namin kung totoo ngang magbabalik si Gabby sa bansa, hindi ganyan ang mga kuwento, tiyak na mas maingay. Hindi naman natin maikakaPila kung gaano kasikat si Gabby noong araw na mag-desisyon siyang iwan muna ang kanyang career matapos na masangkot sa kung anu-anong controversy noon.
Noon naging mailap din sa mga interviews si Gabby, hindi dahil sa mga issues kundi ayaw niyang sagutin ang mga tanong tungkol sa kanyang pamilya at sa kanyang lovelife. Medyo magulo ang lovelife ng aktor noong mga panahong iyon.
Kung magbabalik nga si Gabby sa bansa, mas makikita natin kung papaano siya tatanggapin ng publiko, pero marami nga ang naniniwala na ang kanyang pagbabalik ay magiging kontrobersiyal din, at maaang bri nga raw makabalik pa si Gabby sa kanyang iniwang career. Iyon ay kung babalik pa nga siya sa kabila ng maganda niyang trababaho sa US at sa kanyang pamilya ngayon doon.
May mga nagtatanong pa, sinasabi raw sa criteria na ang 50% ng boto ay ba Bntay sa mukha ng mga candidates, bakit nga raw natalo agad ang mukhang matinee idol na si Peiman Gomari at ang nakalusot ay iyong ilang mukhang salagubang.
Pero ganoon talaga ang contest, kung ano man ang gusto ng jurors, iyon ang masusunod. Ganyan talaga ang mga pakontes mayroong mga "lutong Macao".
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended