Angel, binigyan ng bonggang b-day party ang 80 taong gulang na ama

Inamin ni Mang Angel na daddy ni Angel Locsin na gusto niyang maging simple lang ang selebrasyon ng kanyang 80th birthday at idaos na lang ito sa kanyang bahay noong Lunes. Pero hindi pumayag si Angel.

"Sabi ko kay Daddy na gagawin namin ang kanyang party sa labas at dito nga sa Grand Terrace namin idinaos kung saan malaki ang venue at parking space. Isa pa, it’s his 80th birthday kaya dapat maging espesyal. Wala siyang aalalahanin sa gastos dahil sagot ko lahat yun," anang aktres.

Kumpleto ang pamilya nina Angel mula sa kanyang inang si Emma, mga kapatid, kamag-anak at malalapit na kaibigan at boss sa GMA at Mother Lily Monteverde. Nanggaling pala sa angkan ng beauty queen si Angel dahil ang pamangkin ng kanyang ama ay dating Miss Caltex.

Pinasalamatan ni Mang Angel ang kanyang anak.

"Thank you Angel for your concern. You’re not only a good actress but also a good daughter. Nagpapasalamat ako kay Lord dahil sa kabutihan mo sa amin," anang ama.
Jennylyn, Nagmana Sa Ama
Nakausap ko si Nolie Pineda na ama ni Jennylyn Mercado. Narito siya sa bansa for a vacation dahil kumakanta ito sa Korea. Nagparinig siya ng tatlong awitin. Sa kanya pala nagmana ng magandang boses si Jen.

Tinanong ko rin si Nolie kung boto ba siya kay Patrick Garcia na nobyo ng anak.

"Hindi ako nakikialam sa aking anak pagdating sa pag-ibig. Sa tingin ko naman ay mabait si Patrick at nagkakasundo sila ni Jen," ani Nolie.
‘The hitcher’, nakakatakot!
Tiyak na mayayanig ka sa takot at baka bangungutin pa kapag napanood mo ang The Hitcher ng Rouge Pictures.

Istorya ito ng dalawang batang magkasintahan sakay ng kanilang 1970 Oldmobile 42, patungo sa kanilang pupuntahan, nang maawa sila sa isang gustong makisakay at biglang naging isang masamang panaginip ang kanilang paglalakbay.

Sina Grace Andrews (Sophia Bush) at Jim Halsey (Xachary Knighton) ay nakipagsagupaan kay John Ryder (Sean Bean) nang matuklasan nilang may tangka itong masama sa kanilang buhay at gusto pa silang idamay sa isang naganap na patayan na si Ryder din ang may kagagawan.

Mas puno ng kapana-panabik na eksena ang bagong The Hitcher mula sa 1968 movie na ganito rin ang pamagat. Ito ay iniri-release ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation. Palabas na sa Pebrero 28.

Show comments