"Mas pukpukan pala ang labanan ngayon kesa nung Pinoy Pop Superstar, ang dami kasing magagaling. At mas mahigpit ang competition kaya dob leng pagsisikap ang ginagawa ko ngayon," sabi nito.
Malaki nga ang ipinagbago ni Gerald compared dati na mahiyain ito. Ngayon, mas friendly na at mas malakas na raw ang loob na humarap sa mga tao.
"Lagi nga akong nagpi-pray na maging matatag ang loob ko. Ready na rin ako sa anumang challenges sa buhay, kaya ko nang makipagsabayan sa kanila ngayon," paliwanag ni Gerald na isa na rin sa performer ng SOP tuwing Linggo.
Sa tono ng pagkukuwento ni Regine, mukhang pasado at satisfied siya sa kinalabasan ng self titled album ni Dennis.
"It’s a joy to work with him. Walang kahirap-hirap, ang sarap niyang katrabaho," comment ni Regine.
Si Regine ang talagang tumutok at nagbabad habang ginagawa ni Dennis ang album. Mula sa selections of songs, cover ng album at kahit kaliit-liitang detalye regarding sa album ng actor-singer ay sinupervise ng Songbird. Habang nag-contribute lang ng kanta si Ogie Alcasid na partner ni Regine sa kanilang IndiMusic.
Tinitiyak ni Regine na walang itatapong kanta sa 12 cuts album ni Dennis na pop rock na ibinagay sa imahe ng aktor. Kaya ngayon palang ay excited na si Regine sa kinalabasan ng album na mayro’n silang duet na "Magtatagpo Muli."
Ganunpaman, masarap pa ring ulit-uliting pakinggan ang tracks sa kanyang album na mga all time favorite love songs tulad ng "Only Reminds Me of You," "Beautiful in My Eyes," "Make It with You," "Got to Believe in Magic," at marami pang iba.